Aktres, malungkot habang kumakanta… KYLINE, MAY SAGOT NA SA BREAKUP DAW NILA NI KOBE
- BULGAR

- Apr 13, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 13, 2025
Tila sagot ni Kyline Alcantara sa balitang breakup nila ni Kobe Paras ang latest post niyang kumakanta ng You’ll Be In My Heart at may caption na: “Here’s for you, little Kyline. You’ll Be In My Heart. Always. Hang in there, we’ve achieved some of the things we are only dreaming of.”
Malungkot ang song, malungkot ang aura ni Kyline at malungkot din ang mga comments ng kanyang mga fans/followers/friends.
Ilan dito ay: “We are always here for you,” “I love you forever,” “We love you Kai, hinding-hindi ka namin iiwan hanggang dulo tandaan mo,” at “Mahigpit na yakap.”
May mga nagpayo rin kay Kyline, “Breakup lang ‘yan beh! You will rise from it,” “Wag ka na muna mag-love life, Kyline,” at “Stay stronger.”
Hintayin natin na kumpirmahin nina Kyline at Kobe ang balitang breakup nila. Sa ngayon, pare-pareho tayong maghintay.
Niresbakan ni Marjorie… DENNIS, BIGLANG NAG-OFF NG COMMENT BOX NG IG
Naka-off ang comment box ng Instagram (IG) ni Dennis Padilla as of yesterday. Kung dati, naka-open pa ang comment box ng IG niya, ngayon, totally off na.
Pero, ang mga latest posts lang naman niya ang naka-off, open pa rin ang iba at puwede pa ring mag-comment.
Hindi lang natin masabi kung ang pag-o-off ni Dennis ng kanyang comment box ay dahil sa interview ni Marjorie Barretto na lumabas sa YouTube Channel ni Ogie Diaz o dahil sinugod ang Instagram (IG) niya ng mga bashers.
In fairness, noong open pa ang comment box ng IG nito, mas marami ang bashers kesa pabor sa kanya at hindi niya sinagot, maliban doon sa nag-comment tungkol kay Claudia Barretto na sinagot ni Dennis na naaawa siya sa anak.
Anyway, hinihintay ng mga netizens ang sagot ni Dennis sa interview ni Marjorie Barretto na inisa-isa ang mga isyung ibinato niya rito. Pati ‘yung sa mom ni Dennis na sabi ng kapatid niyang si Gene Padilla, naiyak sa awa sa anak, sinagot ni Marjorie.
Sabi ng ina nina Julia, Claudia at Leon, “Grabe ang sinabi nila. Inapi ‘yung nanay, hindi pinaupo ‘yung nanay, eh, she was seated separately from Dennis and Gene because Dennis and Gene had their own world,” panimula ni Marjorie.
“My Mama Lina, according to the coordinator I asked kanina, she was seated properly. Sabi n’yo ay iyak nang iyak, nainsulto, awang-awa sa inyo, she didn’t cry at all [and] you wouldn’t know because you did not even sit beside your mother.”
Ayon pa kay Marjorie, in-assist pa nga niya ang dati niyang mother-in-law pababa ng stairs nang makitang hirap itong maglakad.
“Nakikita kong pababa, eh, ako ‘yung nasa front row, bumababa si Dennis, inaakay niya si Mama kasi nahihirapan si Mama maglakad, si Dennis, nasa kanan and I took her by the left. I met her halfway du’n sa stairs sa altar and I walked with Mama para magbigay ng respeto,” ayon pa kay Marjorie.
“She was so happy to see me, hindi mugto ang mata ng mother-in-law ko. She was kissing me, I was kissing her, and I was hugging her, she was hugging me. So, ano ‘yung sinasabi n’yo na inaapi ‘yung nanay ninyo?
“‘Di ko maano, eh, may picture ako,” sabi ni Marjorie.
Nakita nga namin ang picture ni Marjorie at ng mom ni Dennis at sa interview sa una, maririnig na “Mama” pa rin ang tawag niya rito. Tinawag din niya itong “mother-in-law” at pinuri ng mga netizens si Marjorie dahil “mother-in-law” pa rin ang turing niya sa mom ni Dennis kahit matagal na silang hiwalay at kahit may malaking isyu sa kanilang pagitan ng aktor.
PATULOY na nanghihingi ng prayers si Sharon Cuneta sa kanyang paggaling dahil sabi nito, “I am still always lying down on my bed as I am still always nauseated. I still don't know what hit me but if I stand or sit too long my headache and hilo hit me hard, and I am just scared that I might have to throw up again (sorry that’s graphic). Please pray for me. Thank you.”
‘Kaaliw lang ang mga comments ng mga followers ni Sharon sa post niyang ito. May nagtanong kung nagpa-pregnancy test na siya at baka buntis siya.
Kaya lang, 59 years old na si Mega, hindi na yata siya magbubuntis.
May nag-comment naman na baka side effect ng Ozempic ang nangyayari sa kanya.
Kaya lang, nilinaw na ni Sharon na hindi siya nag-take ng gamot na ito at natural means ang pagpayat niya.
May nag-comment pa na baka menopausal symptoms ang umaatake kay Sharon.
Marami ang nag-aakalang vertigo ang nararamdaman ni Sharon. Kailangan daw niyang magpa-check-up sa doctor at iwasang ma-dehydrated.
May nag-akala namang baka nausog o nabati siya, magpatingin daw siya sa albularyo.
Anyway, marami ang nag-wish na gumaling na si Sharon at sana, ang next niyang post, magaling na siya at balik na sa mga ginagawa.










Comments