top of page

Aktres, kumantang binusalan ng BF para ‘wag umamin… ALEXA AT SANDRO, BREAK NA DAHIL KAY FRANKI RUSSELL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | September 25, 2025



Sandro at Alexa Miro

Photo: Circulated - IG



Break na rin pala ang sexy actress na si Alexa Miro sa boyfriend nitong Majority Floor Leader of the House of Representatives of the Philippines na anak ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) na si Sandro Marcos. 


Inilahad ito ng aktres sa kanyang TikTok account na may third party daw na involved.

Noon ay hindi pinapangalanan ni Alexa kung sino ang kanyang boyfriend. Pero ngayon ay lumalabas – base na rin sa mga ibinigay niyang impormasyon – na ang anak ni PBBM na si Sandro ang nakarelasyon niya.


Obvious naman, kasi noong manumpa ang anak ng Pangulo ay naroroon si Alexa. Kaya lang, nang tanungin siya ng media, sinasabi niyang kaibigan lang daw niya ang First Son.

Aniya, “Ayaw akong paaminin na naging kami. Bakit kaya? Isa rin ‘yung palaisipan, ‘di ba? Sino ang nagmukhang kilig na kilig sa media? Eh, di ako. ‘Di ba?”


Pinangalanan din ni Alexa kung sino ang naging third party sa kanilang relasyon — si Franki Russell, na nali-link din ngayon kay Enrique Gil.


Hindi naman nabanggit ng aktres kung kailan pa sila nag-break. 

Ano kaya ang reaksiyon dito ni Sandro Marcos?



DPWH pa lang daw, bilyon na ang nakuha…

VICE, IDINAMAY ANG IBANG AHENSIYA NG GOBYERNO SA KORUPSIYON



Muli ay nagsalita si Vice Ganda sa online laban sa umano’y P35.24 bilyong budget insertions na ginawa ni Rep. Zaldy Co para sa mga flood control projects sa Bulacan mula 2022 hanggang 2025.


Inihayag ng TV host-comedian ang pagkadismaya sa inilarawan niyang napakalaking katiwalian sa paggasta sa mga pampublikong gawain. 


Nabulgar ang halagang ito sa gitna ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga kuwestiyonableng alokasyon sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


Kinuwestiyon niya kung magkano pa ang nawawala sa ibang ahensiya ng gobyerno. Aniya, hindi makatwiran ang pagiging magalang kapag ninakawan ang publiko.

Sey ni Vice, “Sa Bulacan pa lang ‘to! Magkano na ‘pag buong Pilipinas? At nakita pa lang ‘to sa DPWH. Paano pa ‘pag isinama ‘yung sa ibang departamento tulad ng Health, Customs, Education, etc.?”


Ipinagtanggol din ng It’s Showtime (IS) host ang sarili sa ilang pamba-bash dahil sa pagmumura niya, at sinabing natural na reaksiyon ito sa malaking katiwalian.

Aniya, “Tapos, ‘yung iba, kinukuwestiyon kung bakit ako napamura? Ano ba ang dapat sabihin ng mga nanakawan? THANK YOU PO, MA’AM/SIR?!”

Pinagmumura kasi ni Vice Ganda nang paulit-ulit ang mga korup sa rally na ginanap sa EDSA Shrine na agad nag-viral sa social media.



P32.24B, kinurakot sa Bulacan…

SIGAW NI VICE, DAPAT LANG MURAHIN ANG MGA KORUP



NAG-POST ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa kanyang X (dating Twitter) account tungkol sa pagpapa-renovate nila ng kuwarto ng anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate.


Aniya, “We are renovating Nate’s room now. Maliit na halaga lang ito and yet we have contracts, we have receipts. Hindi ko maintindihan kung bakit ‘yung naglalakihang proyekto, wala? Bilyun-bilyon, tapos cash lahat? Nagtatanong lang po.”


Sa isa pang post, inilarawan niya ang mga hadlang na kinakaharap ng mga regular na mamamayan kapag nag-a-apply para sa mga pautang.


“Sa pangkaraniwang mamamayan tulad natin, ‘pag may gusto tayong bilhin o ipagawa at medyo malaki ang halaga, daan-daang proseso ang kinakailangang pagdaanan. Naroong dapat may kolateral para mapagdesisyunan ng pagkakautangan na ikaw ay karapat-dapat. Pero sa kanila, parang ang dali lang, ano?” tanong niya.


Bagama’t hindi niya tinukoy kung ano’ng proyekto o institusyon ang kanyang pinaparinggan, nagdulot ito ng diskusyon tungkol sa sistematikong hamon na kinakaharap ng mga Pilipino sa pagkuha ng financial resources, at pati na rin ang pangamba kung paano hinahawakan ng gobyerno at pribadong sektor ang malakihang budget ng bansa.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page