Aktres, kilig na kilig kahit ‘di ginastusan… PHILMAR, PUSO NG SAGING ANG PA-V-DAY GIFT KAY ANDI
- BULGAR

- Feb 15, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 15, 2025
Nakakatawa ang mga netizens, kina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na sila galit ngayon dahil lang naayos na ng dalawa ang kanilang problema at masayang nag-celebrate ng Valentine’s Day. Pagkatapos daw na marami ang nagalit at na-bash si Pernilla Sjöö dahil sa kanila, masaya na sila ulit.
May mga hindi nga natuwa sa puso ng saging bouquet na ibinigay ni Philmar kay Andi kahapon. Oo nga at original daw dahil ang centerpiece ay puso ng saging at ang ibinalot sa flowers ay dahon ng saging, para raw hindi gumastos si Philmar.
Libre nga naman ang puso ng saging at dahon ng saging at ang bulaklak ay parang tanim lang daw nila o kung hindi man, hiningi sa kapitbahay.
Ang hindi nakita ng mga netizens ay ang saya at tuwa ni Andi nang matanggap ang regalo ni Philmar.
As for Pernilla, siguro naman, kakausapin siya nina Andi at Philmar at aayusin ang gulo na nagawa dahil sa couple tattoo at dahil sa selos ni Andi. Ang importante, kumpleto pa rin ang pamilya ng mga anak nilang sina Lilo at Koa.
Gawa at disenyo ng French fashion house na Dior ang outfit ni Heart Evangelista sa 40th birthday niya.
Sa ipinost na reels, nakita ang unboxing ni Heart ng sketch ng dress at ng mismong dress, a Dior couture creation na ginawa para lang sa kanya.
In January last year, nagparamdam na si Heart nang mag-post ng photos sa Instagram na may initial na LME o Love Marie Escudero. Suot na nga niya ang Dior dress na naghuhulaan pa ang mga fans kung magkano.
Masaya ang party ni Heart, may isang photo na magkasama ang parents niya at mga kapatid.
May photos din with guest Bea Alonzo na sexy sa suot na black gown. Sabi nito, “Super saya! Happy birthday, ganda!”
May photos din si Heart with her friends and her stepchildren and of course, with her husband, Senate President Chiz Escudero.
Ang birthday greetings ni Chiz ay punumpuno ng pagmamahal, “They say life begins at 40. And if that’s true, then yours is just getting started!
“Happy 40th birthday babe, @iamhearte. Continue to soar higher! We are all cheering for you every step of the way.
“Tomorrow, we also celebrate a decade of love, commitment, trust, and shared dreams on our wedding anniversary. It feels like only yesterday when we were beginning our own incredible journey as husband and wife.
“You are one of life’s greatest blessings that have enriched our lives. Your presence makes every day brighter. And for that, I will always have your back.
“Here’s to a lifetime of happiness! I love you, babe!”
Sa isang post ni Heart, ang caption nito ay: “#Becoming40 is just 20, but with better decisions and an earlier bedtime.”
Karamihan sa mga birthday greetings, may kasamang comment na hindi sila makapaniwalang 40 years old na si Heart Evangelista dahil looking young pa rin ito.
MARAMING ginulat sina Mikee Quintos at Paul Salas sa photo nila at inakalang marriage proposal at engaged na sila. May hindi nakatiis at nag-comment ng “Ma’am, I thought this was the engagement shoot!!!”
Ang sagot ni Mikee, “HAHAHA! Not yet.”
Sa sagot ni Mikee, parang seryoso na ang relasyon nila ni Paul at napag-uusapan na siguro nila ang pagpapakasal.
Sabagay, pareho na silang nasa right age at parehong tanggap ng kani-kanyang pamilya ang kanilang relasyon.
Nakakatuwa nga na tuwing nagbabakasyon ang pamilya ni Mikee, laging kasama si Paul at sa side ni Paul, isinasama rin niya si Mikee sa lakad ng kanilang pamilya. Naipakilala na yata nito sa kanyang angkan ang GF.
Anyway, sinorpresa ni Paul si Mikee ngayong Valentine’s Day. Pinuntahan niya ang GF sa taping ng Lutong Bahay (LB) at may dala siyang bouquet of red roses at chocolates. ‘Aliw dahil ang kapalit na regalo ni Mikee kay Paul ay hopia na siya raw ang may gawa. Cooking show kasi ang LB at napapasabak siya sa lutuan.
And speaking of LB, simula bukas, February 16, sa GMA-7 na ito mapapanood, 6:15 PM at simulcast sa GTV. Maganda ang show, ang daming isyu na nalalaman mula sa mga guests na very open sa pagse-share ng mga kuwento nila.






Comments