top of page
Paul Salas, Mikee Quintos at Jeo Ong - IG - PBB YT.jpg

Aktres, kaya nagsalita… BOSS TOYO, TINUKOY NA TYPE SI CLAUDINE KAHIT MAY DYOWA NA

Writer: BULGAR
BULGAR
17 hours ago
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | November 9, 2026



Boss Toyo at Claudine Barretto - IG

Photo: Boss Toyo at Claudine Barretto - IG



Si Boss Toyo ang binanggit ng mga netizens na pinaringgan ng aktres na si Claudine Barretto sa Facebook (FB) post niya nitong Sabado nang gabi na may gusto sa kanya at willing iwan ang kasalukuyang partner?


Post ng aktres, “Okay ako makipagkaibigan sa kahit na sino. Pero kung may partner ka at willing mo s’yang iwan if sagutin kita, malabo ‘yun. Sorry, but I will never be the cause of another woman’s pain.


“Sinabi ko na sa ‘yo, iwasan mo ‘ko, please lang. Nakakaabala at nakakabahala ka na. Salamat sa offer, pero marami na akong mga kaibigan at ayokong ipaalam pa ‘to sa partner mo.”


Sey ng isang netizen, “Si Boss Toyo? Malakas ang tama nu’n kay Clau, eh. Hahaha! Halata naman nu’ng napanood ko ‘yung Pawnstar episode na guest si Ms. Claudine.”

Inabsuwelto naman ng aktres si Boss Toyo. 


Pahayag niya, “Regarding po sa post ko, wala po akong pinangalanan. I just want to make it clear na ‘di po ang kaibigan kong si Boss Toyo ang tinutukoy ko. Naglabas lang ako ng saloobin ko.”


Humingi ng dispensa ang aktres sa vlogger-collector at rapper at sa partner nitong si Jhoy.


Aniya pa, “Pasensya na, Besh Boss Toyo at Loves Jhoy. I hope tigilan n’yo po ang pag-tag sa kanya because ayoko maging cause ng gulo ng isang pamilya. Kaya nga po ako nag-post ng ganu’n para tumigil ‘yung lalaking nangungulit sa ‘kin.


“Besh, pasensya na at sorry, nadamay ka pa. Let's all not be quick to judge. ‘Wag po tayo maging cause ng haka-haka at pamilya na puwedeng masira dahil sa nagge-guess lang tayo (emoji praying hands). Thank you & God bless you all.”


Sino na naman kaya itong binanggit ni Claudine? May kinalaman kaya ito sa pelikula nila ni Mark Anthony Fernandez sa Viva?





Personal na buhay, inurirat kahit delikado na… AKTRES, NAIRITA SA INTERVIEW NG KAIBIGANG HOST NG ONLINE SHOW, NEVER AGAIN DAW



  • BLIND ITEM


BLIND ITEM:


Trulili kaya na sobrang nairita ang aktres nang makapanayam siya dati para sa promo ng pelikula nila ng sikat na aktor?


Hindi raw nagustuhan ng aktres ang naging takbo ng panayam niya sa isang online show dahil personal niyang buhay ang topic na pilit niyang iniiwasan, pero ibinabalik naman doon. Dahil kaibigan nito ang host ng online show, hindi niya nagawang pagsabihan.


Tanong namin sa kausap namin, bago magsimula ang interbyuhan ay tinatanong naman ng host ang bisita kung anu-ano ang puwedeng pag-usapan at hindi puwede, kaya nakapagtataka kung kailan matagal nang tapos ay saka ito ikinuwento ng aktres.

“Napagkuwentuhan kasi ‘yung mga online shows ngayon kung sino ang trending at sino ang mas pinapanood, tapos nabanggit nga ‘yung show na ‘yun,” sabi ng taong malapit sa aktres.

In fairness, naka-Silver Play Button na ang nasabing show at patuloy pang tumataas ang views nito, na nag-a-average ng 100,000 to 200,000 views sa bawat episode. ‘Yun nga lang, wala pa kaming nakitang 1 million views sa episode ng nasabing online show.


Going back sa actress, dahil kaibigan niya ang host, hindi na niya ito pagsasabihan at hindi na rin siya magge-guest sa show nito.


Hamon namin sa kausap namin, baka sabi lang niya ngayon. Paano kung may pelikula ulit siyang ipo-promote?


“Baka ‘pag dumating na ‘yung time, mabago na ang desisyon n’ya,” kaswal na sabi sa amin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page