Aktres, jackpot sa yaman ng fiance… VINCENT, TUMANGGAP NG P5.7 B BAGO ANG KASAL NILA NI BEA
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | April 2, 2026

Photo: Bea at Vincent / IG
Oks na ang pambili ng businessman na si Vincent Co ng pre-wedding gift para sa kanyang soon-to-be bride na si Bea Alonzo.
Kalat na ang balitang pagkuha ng pamilya ni Vincent ng billions of pesos na dividends ng shareholders ng kumpanyang pag-aari ng fiancé ni Bea.
Si Vincent ang presidente ng sikat na shopping mart sa buong bansa.
Timing daw ang pagtanggap ni Vincent ng dividend worth P5.7 bilyon para sa nalalapit na kasal nila ni Bea.
Kering-keri nang ibili ni Vincent ng alahas, bahay o sasakyan as his pre-wedding gift.
Excited ang madlang pipol kung mala-Paraiba Tourmaline jewelry at Tesla car kaya ang ibibigay ni Vincent kay Bea?
Waiting galore na rin ang madlang pipol sa kasal nila na ngayon pa lang ay binansagang “Wedding of the year”.
Sa vineyard sa Spain na pag-aari raw ng pamilya ni Vincent ang venue ng wedding na nakatakda raw sa May 16.
At ang tsika pa, sa private plane raw isasakay ang mga guests dito sa Manila papuntang Spain.
Eh, di wow!
Resort ng aktor, kayang-kayang bilhin...
GERALD, NO MATCH DAW SA SOBRANG YAMAN NG BAGONG BF NI JULIA
TODO-EMOTE si Gerald Anderson habang nagbabakasyon sa Zambales nitong nakaraang Holy Week.
Mag-isa at walang bitbit na girlfriend si Gerald habang nagmumuni-muni sa kanyang resort.
Sa kanyang Instagram (IG), ipinost ni Gerald ang isang video kung saan mapapanood ang bida ng bagong Kapamilya primetime drama series na Blood vs. Duty (BVD) na naglalakad sa magagandang nature spots.
Madidiskubre sa video kung kanino in love si Gerald ngayon.
Sabi sa video, “I’m in love with this quote. Life is only as good as your mindset. A negative mind will never give you a positive life.”
Habang nakalagay naman sa caption ay ito, “Positive Mindset Trivera Soon #Zambales.”
Tila may iniisip si Gerald na bagong itatayong resort sa gitna ng bulubundukin sa Zambales.
Inengganyo naman si Gerald ng kanyang mga followers sa IG na mag-focus on positive side.
Anila, “Focus lang sa positive side, Gerald. Don’t mind sa mga negative at toxic mind, push your limitless goal.”
“Love you mate at love ka rin nang bishy ko @powellysabella4 sending our love and positivity.”
Pero hindi rin nakaligtas sa mga netizens ang mga ex ni Gerald.
Sey ng isang fan, “Si Kim Chiu na lang kulang @andersongeraldjr.”
Hirit naman ng faney ni Julia Barretto, “Kayang bilhin ‘yang resort mo ng bagong dyowa ni Julia.”
Ipinagtanggol si Gerald ng kanyang follower, “‘Wag mag-underestimate ng kapwa, pinaghirapan ‘yan. Kulang ka ata sa pansin, o nasobrahan ka ng ayuno (fasting) mo. Holy Week pa naman.”
Sumagot ulit ang faney ni Julia, “Hahaha! Totoo naman ang sinasabi ko. Good decision for Julia, sobrang upgrade ang new BF n’ya and soon to be husband. Mas maraming time ‘yun kay Julia dahil hindi ‘yun puro basketball. Hahaha!”
Ganern?




Comments