Aktres, ipinakilala na rin sa anak kay LJ… PAULO, GAME NANG PAKASALAN SI KIM, NAGPAALAM NA SA PAMILYA
- BULGAR

- Aug 12, 2024
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 12, 2024

Marami ang nagsasabing seryoso na si Paulo Avelino sa relasyon nila ngayon ni Kim Chiu at hindi para lang sa kanilang showbiz career. Patunay nito ay isinama nga niya si Kim nang dalawin niya ang anak niya kay LJ Reyes na si Aki na nakabase ngayon sa New York, USA.
Mukhang tanggap ni LJ si Kim na maging madrasta ni Aki dahil mabait ang Chinita Princess. In fact, naka-follow na si LJ sa Instagram (IG) ni Kim.
Well, at this point sa buhay ni Paulo, mukhang desidido na nga siyang lumagay sa tahimik at magkaroon ng sariling pamilya. Para sa kanya, si Kim Chiu na ang kanyang ‘the one’. Handa na siyang pakasalan ang Chinita Princess.
In fact, nagpasabi na raw si Paulo sa pamilya ni Kim na balak na niyang mag-propose sa aktres. Pinaghahandaan na rin ng aktor ang pagpapatayo ng sariling bahay.
Samantala, si Kim ay handa na ring magpakasal tulad ng mga kaibigan niyang sina Angelica Panganiban at Maja Salvador.
TIYAK na marami ang magtataka kung bakit sa maliliit na videoke bars kumakanta ngayon ang dating ‘Crush ng Bayan’ during the ‘80s na si Mia Prats.
Dati siyang artista ng Viva Films. Nakagawa siya ng maraming pelikula tulad ng Captain Barbell (1986), Sala Sa Init, Sala Sa Lamig (1993) and Kumander Bawang (1988).
Maraming young actors ang nanligaw sa kanya noon pero bigla siyang nawala at nagpahinga sa showbiz.
Sa one-on-one interview sa kanya ni Julius Babao sa vlog nitong Julius Babao UNPLUGGED, nabanggit ni Mia na isa siyang single mom with two grown-up kids. Gusto niyang magbalik sa showbiz pero hindi bilang artista, kundi isang singer.
Well, first love ni Mia ang singing at hindi ito ang naging career niya dahil sa aktingan siya agad napasabak. Kaya ngayon ay gusto niyang balikan ang pagkanta, kaya panay ang practice niya sa maliliit na videoke bars sa Marikina at Antipolo upang ma-regain lang ang kanyang self-confidence at masanay sa pagkanta sa harapan ng maraming tao.
Para kay Mia Prats, hindi pa huli na abutin ang kanyang mga pangarap.
Ibang klase magmahal…
MOTHER LILY, MARAMING NABIGYAN NG KOTSE AT BAHAY SA SHOWBIZ

MARAMING Regal Babies ang binigyan ng kotse at bahay ng yumaong Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde. Bale ‘yun ang pinaka-advance payment niya kapag pumipirma ng kontrata ang artista sa Regal Films.
Ilan sa mga binigyan ng kotse ni Mother Lily ay sina Aga Muhlach at Willie Revillame.
Ang mga nabiyayaan naman ng bahay ay sina Maricel Soriano, Snooky Serna, Roderick Paulate, Ice Seguerra atbp..
Sobra kung magmahal at mag-alaga ng kanyang artista si Mother Lily, hindi lang basta artista ang turing niya sa kanyang mga Regal Babies, lahat sila ay para na niyang mga anak.
Karamay siya sa mga problema ng mga ito, personal man o pinansiyal. Kaya todo ang pasasalamat ng mga Regal Babies kay Mother Lily dahil siya rin ang nag-advise na mag-ipon sila at mag-invest.
Halos lahat ng malalaking artista noong ‘80s, ‘90s at 2000s ay nakagawa na ng pelikula sa Regal Films. At marami ang nagkamit ng acting awards.
Kaya naman ang legacy niya sa movie industry ay mahirap nang makalimutan. Sa lahat ng movie producers ay namumukod ang kabaitan at pagiging down-to-earth ng isang Mother Lily Monteverde.








Comments