top of page
BULGARY -HEART, TODO-IWAS MAGPAINTERBYU SA FLOOD CONTROL ISSUE NI SEN. CHIZ-IG _iamhearte.

Aktres, ibinigay na ang lahat… BELLE AT DONNY, AFTER NG TODO-TIKIMAN, KANI-KANYA NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 2, 2026



SHOWBIZ SPECIAL - BELLE AT DONNY, AFTER NG TODO-TIKIMAN, KANI-KANYA NA-IG _belle_mariano

Photo: IG _belle_mariano



Balitang umabot na sa P25 M ang first three days showing ng pelikula nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na Tayo sa Wakas.


Kung magtutuluy-tuloy pa ang pagtanggap dito ng mga moviegoers at aabot nang P100M ang gross ng pelikula ng Star Cinema, hindi malayong magbago ang isip ng mga nasa likod ng produksiyon na sundan ng isa pang proyekto ang tambalang DonBelle.


Sa pagsisimula kasi ng promo ng TSW, sinabi na nina Donny at Belle na magkakani-kanya na nga muna sila career wise para mag-grow bilang individual actors.


Kaya naman kahit first movie project pa lang ito ng dalawa, itinodo na lahat ni Direk Cathy Garcia-Sampana ang pagle-level-up ng maturity ng magka-love team.

Hindi na sila pinadaan sa mga pa-cute-cute na rom-com films.


Kunsabagay, 23 yrs. old na rin naman kasi si Belle, ‘yun nga lang, hindi halata sa kanyang hitsura at mukha pa rin siyang teen-ager dahil nga petite siya. 

Parang ‘di tuloy kami nababagayan sa ibinigay sa kanyang role sa movie na career-oriented woman na mature na rin mag-isip. 


But in fairness, sa mga drama scenes ay lumaban naman si Belle kay Donny, na napakagaling din pala sa drama at puwedeng sumunod sa yapak nina John Lloyd Cruz at Joshua Garcia.


We also learned na co-producers din pala ng TSW ang DonBelle, no wonder na itinodo na talaga nila ang lahat dito at game na game sila sa kanilang mga kissing scenes!

At hindi na rin wholesome ang kanilang characters bilang nag-live-in na sila rito, so adulting na talaga ang ganap.


So, sayang naman talaga kung maghihiwalay na ang DonBelle dahil puwedeng sila na ang maging next KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) na mag-aakyat nang daan-daang milyong piso sa kaban ng Star Cinema at ABS-CBN.





Wa’ raw pagsisisi…

XYRIEL, NAGPA-PIERCING SA DIBDIB, NI-REJECT NG KATAWAN, TINANGGAL NA



AMINADO ang isa sa mga bida ng bagong iWant series na Miss Behave na si Xyriel Manabat na mahilig talaga siyang mag-adventure at mag-eksperimento.


Kaya naman nang matanong kahapon sa grand mediacon ng Miss Behave na magpi-premiere na sa iWant on June 3, nai-share ni Xyriel na nagpalagay siya ng apat na piercing sa kanyang dibdib nang hindi ipinapaalam sa parents niya.

Kuwento niya, “Sinurprise ko na lang ‘yung parents ko na may apat na piercing ako sa chest ko. Kasi hindi nila alam, umuwi ako na naka-turtle neck, tapos nakita na lang nila, ipinost na ng studio.”


Na-shocked daw ang parents niya pero hindi naman ipinatanggal. Kusa na lang daw nawala ang 4 na piercing dahil ni-reject na ng kanyang katawan. Pero umabot din daw ‘yun ng 1 year.


Kuwento pa niya, nag-keloid na nga raw ang naturang piercing sa kanyang dibdib, pero wala naman siyang pagsisisi sa ginawa.


Ginawa raw niya ‘yun para ma-conquer ang kanyang fear sa injection nu’ng bata pa. Kaya after niyang ginawa ang piercing, wala na raw siyang kinatatakutan.

Ang Miss Behave ay isang youth-oriented mystery drama series na streaming sa iWant. 


Mula sa direksiyon ni Ivan Andrew Payawal, iikot ang kuwento sa usapin ng online privacy sa kabataan.


Sa pasilip sa bagong iWant original, sesentro ang kuwento nito sa science high school girls na handang hamakin ang kanilang mga sarili matapos mag-leak ang kanilang pribadong photos sa buong paaralan na nagmitsa sa kanilang suspensiyon. 


Sa kabila nito, nagsanib-puwersa sila para maghiganti at masugpo ang nagpakalat ng kanilang mga iskandalosong larawan na nagbigay sa kanila ng kahihiyan.


Mula sa mga creators ng iWant original na Love at First Spike (LAFS), bibida rito sina Alexa Ilacad, Xyriel Manabat, Reign Parani, Andi Abaya, Rans Rifol, JC Alcantara, Akira Morishita, Zach Guerrero, Raven Rigor, Zach Castaneda, and LA Santos.







MATAPOS ang successful debut concert niya last year sa Music Museum titled The Next Ones, ang pagbuo naman sa kanyang bagong album titled LIKAS ang kinarir ng singer-songwriter na si Isha Ponti.


Kung tutuusin, mala-nepo baby itong si Isha dahil mayaman ang kanyang pamilya at kahit hindi siguro siya mag-showbiz ay kaya niyang mabuhay.


Pero dahil pangarap ni Isha na mai-express ang kanyang sarili sa pagsulat ng mga kanta, isa-isa niyang binuo ang mga songs na kasama sa kanyang album na LIKAS (Longing. Illusion. Kindness. Acceptance. Self-love).


“Iba kasi itong album na ito. It's about my personal experiences concerning love, dreams, and heartaches. It's my story. It's not about the seasons of life. It's about my personal experiences that can resonate with you," pag-amin ng 19-year-old singer sa ginanap na media launch ng kanyang album sa Noctos Bar sa QC last May 30.


"Iba't ibang scenario ang nangyari sa album na ito," dagdag pa niya.

At nang matanong kung bakit nga kailangan pa niyang magtrabaho nang husto gayung super rich naman sila, paliwanag ng dalaga, "This is my own life. I want to work hard for the things I want in life. Ang daming hindi nagiging tunay na masaya o satisfied kasi ang dali nilang makuha ang ibang bagay. There's no challenge. Wala siyang maibibigay na fulfilment."

Bagama’t si Isha ang sumulat ng lahat ng kanta sa LIKAS album, naging katulong niya sa pagbuo ng melody at musical arrangement ang musical director and producer na si Adonis Tabanda.


Bilang singer-composer, umabot na raw sa 29 ang mga kantang naisulat niya. Siya rin daw ang gumawa ng video editing, nagdirek, at pati sa poster ng album ay hands-on siya. 


Kasama sa LIKAS album ang 10 kantang isinulat ni Isha tulad ng Darating, Numero, Hinga, Kabanata, Halika, Warmth, Gulong, Bakas, Riversky at Mismo

To celebrate the album's release, magkakaroon ng special launch event titled Isha Ponti: LIKAS sa June 20, 2026 at VIVA Cafe, 7 p.m., with special guests na makakasama niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page