Aktres, happy para sa ex-husband... JODI, UNANG NAKAALAM NA IKAKASAL NA SINA IWA AT PAMPI
- BULGAR

- Apr 23
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 23, 2026

Photo: FB Jodi Sta. Maria PH & IG @iam_iwa
Ang unang nakaalam pala ng engagement nina Pampi Lacson at Iwa Moto ay ang ex-wife ng una na si Jodi Sta. Maria, na ibinahagi ng aktres sa programang Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ng GMA Network.
Tanong ng King of Talk na si Boy Abunda, “Iwa and Pampi announced their engagement last February, ano ang dasal mo para sa kanila?”
Saad ni Jodi, “Before their announcement, they actually told me first about the engagement.
“And sa totoo lang, masaya ako para sa kanila. Isang bagay ito na matagal nilang hinintay. Thirteen, fourteen years na paghihintay is no joke.
“And now, it’s really happening. Siguro, ang magiging dasal ko lang para sa kanila is mahalin nila ang isa’t isa, intindihin nila ang isa’t isa.
“‘Di ba, sila ang magkakampi, magkatuwang at magkaagapay sa buhay?”
In fairness, bakas sa mukha ni Jodi Sta. Maria na masaya siya para sa pagpapakasal nina Pampi Lacson at Iwa Moto.
“I’m so grateful for you, I love you,” pahayag ng aktres na si Jessy Mendiola sa kanyang Instagram (IG) post nang magbahagi siya ng sweet message para sa kaarawan ng host ng Rainbow Rumble (RR) ng ABS-CBN na si Luis Manzano.
Sey ni Jessy, “Happy birthday, my love @luckymanzano.
“Thank you for being simply who you are, kind, loving and the one who makes everything feel lighter.
“Just like the song says, ‘I like me better when I’m with you.’ That’s exactly how it is with you.
“I’m so grateful for YOU. I LOVE YOU.”
Sa comment section ng post ng aktres ay nagpahayag din si Luis ng simple pero punumpuno ng pagmamahal.
Saad ni Luis, “I love you.”
Samantala, ang co-host ni Luis Manzano sa RR na si Negi ay nagpahayag din ng mensahe para sa kaarawan ng anak ng Star for All Seasons na si Vilma Santos.
Sey ni Negi, “Happy birthday sa pinakapogi sa buong mundo, pinakamabait na tao na kilala ko, Kua (Kuya) Lucky Manzano.”
Well, korek ka riyan, Negi, mabait talaga si Luis at in fairness, ang laki ng ibinawas sa timbang ng mahusay na TV host. Bumalik ang katawan niya noong binata pa siya.
Totoo pala ang sinabi ng komedyanteng si Bayani Agbayani na kapag ginusto ni Luis na magpapayat ay madali nitong nagagawa.
Anyway, happy birthday, Luis ‘Lucky’ Manzano!
Si Ian ang punong-abala…
NORA AUNOR MUSEUM, BUBUKSAN NA SA JUNE
INI-REPOST ng aktor na si Robin Padilla ang social media update ng Nora Aunor National Artist Facebook (FB) page hinggil sa planong pagbubukas ng Nora Aunor Museum sa Hunyo 2026, na pinangangasiwaan ng kanyang anak na si Ian De Leon.
Saad ng Nora Aunor National Artist FB page, “Mababawasan ang pangungulila ng mga Noranians dahil may bago silang pupuntahan bukod sa puntod ni Ate Guy sa LNMB (Libingan ng mga Bayani).
“Ito ay ang Nora Aunor Museum na inaasikaso ni Ian De Leon at itina-target na mabuksan sa darating na Hunyo.”
Saad ni Ian, “We are working hard to gather them, dresses she used in Superstar and movies, trophies. We are working hard to curate. We are discussing a deadline for it, hopefully it can launch in June.
“We don’t want to lose momentum. I have a legal team, marketing, IPs nd all that. My wife is doing all the heavy lifting regarding the figures.
“I hope everyone can be there to support. To Noranians who have memorabilia, we will include it in the museum. Pictures, albums, clippings, they can share. We will put your name in the museum if you can share or donate.
“We are aggressive in doing this, not for me, not for anyone, it is for mom and what she has left behind.
“We are working hard to pass this on to future generations. We want her resilience in life, her journey of making dreams a reality to continue inspiring generations.”
Anyway, wish ni yours truly na matuloy ang pagbubukas ng museum ni Bok (Nora Aunor) para magbigay ng saya sa mga Noranians.





Comments