top of page

Aktres, game na game, Donny… BELLE, BIGLANG BINIGYAN NG FLOWERS NG MALE FAN SA GITNA NG COURT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 2, 2024
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | September 2, 2024



Showbiz News

Bumilib ang netizens sa ginawa ni Belle Mariano nu’ng may isang fan na lalaki ang biglang nagpa-picture sa kanya pagkatapos ng kanyang performance. 


May dalang bulaklak ang male fan nu’ng nilapitan niya si Belle sa gitna ng basketball court sa loob ng Southeastern Philippines Gymnasium sa Davao City noong Sabado, August 31. 


Nag-perform si Belle roon para sa Star Magic Shooting Stars Exhibition Game na nilahukan din ng love team-partner niyang si Donny Pangilinan.


Nakakalat sa X (dating Twitter) ang video ng insidente kay Belle sa Davao. As usual, ang daming reaksiyon ng mga fans sa kinasadlakang sitwasyon ni Belle.


Sey ng mga netizens, “Ito pala ‘yung buong video ng paglapit ni Kuya kay Belle. Mas maayos pa na na-handle ni Belle ang sitwasyon kaysa sa mga security.”


“Natakot ako para kay Belle du’n, ah. Yeah, it’s a kind act but ‘di rin tayo sure kung ano pa ang gagawin ni Kuya. ‘Di natin s’ya kilala, biglang may ganu’n. ‘Di rin natin ma-blame ang security, trabaho nila ay to protect.”


“She’s such a very professional talaga.”


Ang mga netizens din ang nag-reveal ng tunay na kondisyon ng lalaking lumapit at nagpa-picture kay Belle.


Pahayag nila, “Let’s understand his condition po. Si kuya po, known talaga s’ya na hilig magpa-picture sa mga artists. Kahit nga ‘di artista, basta kilala ka niya, bibigyan ka n’yan ng flowers at cake during special events sa life mo like birthdays, graduation, ganu’n. Generous at friendly po s’ya.”


“Galing mo, Belinda. Psychology student ka talaga, calm ka lang at you handled the situation well. ‘Wag tayong harsh kay kuya, he’s not going to harm Belinda.”


“That boy has autism. Just look at Belle and how she handled the situation and understood that her fan is autistic and has special needs. Don’t hate the boy. I’m one of the crowd and saw the whole situation.”


For sure, ‘di lang ‘yung male fan ang sobrang happy sa pagdating ni Belle Mariano sa Davao City. Sa pagkakaalam namin, ‘di pinapayagan ng Star Magic ang kanilang mga artists basta bandang Mindanao na ang event. Eh, baka case-to-case basis na ngayon.



TILA patama ni Anne Curtis ang latest post niya sa Instagram (IG) sa mga nagkakalat ng balitang hiwalay na sila ng mister niyang si Erwan Heussaff.


Ipinost ni Anne ang 20 pictures ng mga “ganap” niya for the past two months.

Kabilang dito ang proyektong ginagawa niya with Joshua Garcia and Enchong Dee, ang preparation niya para sa Magpasikat 2024 para sa It’s Showtime (IS), plus, mga ganap ni Anne kasama ang kanyang pamilya.


Isa sa 20 pictures na naka-post ay magkasama si Erwan at anak nila ni Anne na si Dahlia habang naglalakad. 


Caption ni Anne sa kanyang IG post kahapon, “2 words for a 2 month dump. TIME MANAGEMENT July/August you were extremely hectic and very amusing the 20 pic feature #calANNEdar.”


Sa comment section, may netizen na ipinipilit ang isyung hiwalay na si Anne kay Erwan.

Iniisyu kasi ng isang follower ni Anne na hindi niya kasama si Erwan sa wedding na pinuntahan nila out-of-town last month. 


Sey nito, “First time na ‘di kasama si Erwan. Something is wrong.”

Pero kinorek agad ito ng isa pang follower ni Anne, “Paki-check IG story ni Erwan at pakitignan din isang recent post ni Anne, nag-comment pa du’n si Erwan. ‘Yun ba ‘yung may something wrong?”


“You're following them matagal na, alam mong ‘di ‘yan for the first time :) and that’s normal. One of the signs of a healthy relationship. Erwan did that din kasama si Nico and kids, wala rin si Solenn.”


Pakiusap naman ng mga nagmamahal kay Anne at sa pamilya niya, “Bad people please leave this beautiful family alone.”


“Tama, workaholic lang talaga si Anne, hindi n’ya pababayaan ang family n’ya. Para kay Anne, una muna ang family bago ang lahat.”


So, there.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page