AKTRES, 'DI SUWERTE SA LALAKI, NAINLAB SA BESPREN NA TIBO, MAGDYOWA NA NGAYON
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 30, 2022
BLIND ITEM:
Last day na ng selebrasyon ng LGBTQIA+ community ng Pride Month ngayong June. And in fairness, ang dami nilang pa-event, ha?
During the Pride Month celebration, ginulat ang publiko ng pag-amin ng youngest daughter nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Miel bilang member ng LGBTQIA+.
Marami ang humanga kay Miel for being brave sa pag-amin at paglantad niya.
We wonder kung kailan naman kaya aamin ang sikat at award-winning actress sa relasyon niya sa isang lesbian?
Matagal nang kaibigan ng award-winning actress ang kanyang karelasyon ngayon. Saksi rin ang best friend ni aktres sa mga nakarelasyon niya at kilala rin siya ng mga ex-boyfriend ni aktres.
Tahimik ang aktres about her love life now. Dati raw ay may mga posts sa IG si aktres kasama ang kanyang lesbian best friend-turned lover. Pero ngayon, ‘di na makikita ang mga larawan ni aktres with her best friend-lover.
Nabuwisit na siguro si aktres sa mga lalaking nakarelasyon niya noon kaya napagbalingan ang kanyang kaibigan.
Siyempre, dahil sa madalas, kundi man palagi, si best friend ang nandiyan sa tabi ng aktres, hanggang sa ma-in love na siguro nang tuluyan si aktres sa best friend niya, lalo pa’t hindi naman nag-work ang mga relasyon niya with a male partner.
Natsitsismis ang aktres na boyfriend niya ang isang direktor, pero pareho nilang itinanggi ang tsika sa kanila at ipinagdiinang magkaibigan lang talaga sila.





Comments