top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Aktres, 'di nag-promote… MOVIE NI BEA KASAMA ANG HOLLYWOOD ACTOR, NILANGAW

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 15, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 15, 2023


Para sa amin, hindi magiging kabawasan sa stature ni Bea Alonzo bilang bankable star kahit sinasabi ng iba na hindi kumita ang latest movie na ginawa niya, ang 1521:The Quest for Love & Freedom na produced ng Calinawan CineWorks at ng direktor na si Francis Ho.


Ang American actor na si Hector David ang kapareha ni Bea sa movie.



At kahit sinisisi ng producer si Bea dahil hindi raw ito nag-promote ng 1521 kaya hindi kumita, walang reaction ang publiko.


Nagkaroon pa ng isyu sa pagitan ni Bea at ng producer ng movie pero hindi naman nakatulong sa pelikula ang pag-iingay ng kampo ng producer ng 1521.


Depensa ng mga fans and supporters ni Bea, marami nang nagawang movies ang aktres sa Star Cinema na pawang kumita nang malaki sa box office. Naalagaan kasi nang husto si Bea ng Star Cinema kaya walang naging problema.


Bankable star pa rin si Bea kahit na sabihin na hindi kumita ang 1521 movie na ginawa niya. Marami pang movie producers na nagnanais kunin si Bea Alonzo sa kanilang pelikula. Malakas pa rin ang box office appeal nito at magaling na artista.


Kung inalagaan at inasikaso lang nang mabuti ng producer ng 1521 si Bea habang nagsu- shooting, wala sanang naging problema.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page