Aktres, bigla raw kasing wa’ na paki sa pulitika… KATHRYN, INIIWASAN NA NG MGA KAPWA ARTISTA NANG MAGING BF SI MAYOR MARK
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | April 14, 2026

Photo: Kathryn Bernardo - Instagram
Mula nang maugnay si Kathryn Bernardo kay Lucena Mayor Mark Alcala, may kumakalat na balitang hindi raw siya gaanong gusto ngayon ng ilang kapwa celebrities.
Naging paksa ng tsismis ang Asia’s Superstar dahil sa kumalat nilang larawan habang nasa Bangkok, Thailand para sa 30th birthday ng aktres. Pinagpiyestahan ng mga netizens ang kanyang social media post na may lalaking katabi niya na pinaniniwalaang si Mayor Mark.
May ilan pang nakapansin na pareho umano ang pulseras ng lalaki sa video at ang suot ng pulitiko.
Kasunod nito, kumalat ang kanilang larawan na magkahawak-kamay sa isang mall. Dahil dito, inakala ng mga netizens na ‘hard launch’ na ito kahit hindi pa nila direktang kinukumpirma ang kanilang relasyon.
Bagama’t may mga tagahangang sumusuporta sa kanyang love life, marami pa rin ang bumabatikos sa kanya online, lalo na’t ibinabato ang mga alegasyon ng katiwalian kay Mayor Mark. May ilang nagsasabi na inuuna raw nito ang kanyang personal na buhay kaysa sa kanyang mga nasasakupan sa Lucena.
Ayon sa isang netizen, “Usap-usapan na may ilang A-listers at even senior artists na medyo umiiwas kay Kath. Ayaw lang daw nilang ma-associate dahil kay Mark Alcala. Mainit daw ang usapin ngayon sa pulitika.”
Dagdag pa ng isa, “Sa mga big events, small talk na lang daw, then move on agad, unlike before. Lalo na after her breakup with Daniel (Padilla), na halos lahat gusto s’yang lapitan at i-support.”
Ayon pa sa usap-usapan, naaapektuhan na ang imahe ni Kathryn dahil sa mainit na diskusyon sa Reddit, lalo na nang mag-post ang kanyang ina na si Mommy Min Bernardo sa X tungkol sa pagiging ‘apolitical’ o dedma ni Kathryn sa mga nangyayari sa bansa at sa pulitika.
Very lucky si Anne Curtis dahil na-interview niya sa Japan ang dalawang prominenteng foreign actress na sina Anne Hathaway at Meryl Streep, ang mga stars ng The Devil Wears Prada 2 (TDWP2).
Pahayag ni Anne, dream come true para sa kanya ang makapanayam ang kanyang mga iniidolong Hollywood stars.
Puna ng mga netizens habang ini-interview ni Anne sina Meryl Streep at Anne Hathaway…
“Kahit pala si Anne Curtis na, ninenerbiyos pa rin.”
“I can feel the tension and the nerves showing on your lips.”
“Your entrance is so unique and for sure it’s a memorable one for them.”
“Kinabahan ako sa last question mo.”
“I never seen Anne that nervous. She’s so cute. Hahaha!”
“Pinoy version: The Devil has Maleta.”
“Vampire meets vampire.”
Napansin din ng mga netizens ang pagiging fangirl ni Anne.
“The fangirling is unspeakable. I felt your nerves and kilig all throughout. I would have passed out if that was me. So happy for you, Anne Curtis.”
Ang bongga ni Anne!
Echo, gandang-ganda sa GF…
HIRIT NG NETIZEN: JANINE, SEXIEST LANG PERO WALANG APPEAL
KINILIG ang mga netizens sa sweet na pagpapakita ng paghanga ni Jericho Rosales sa girlfriend na si Janine Gutierrez matapos niyang i-post sa Instagram (IG) ang dalawang larawan ng aktres na may caption na: “Ganda babayi (babae).”
Ayon sa mga netizens, gandang-ganda si Echo sa kanyang girlfriend. Sinagot naman ng aktres ang komento ng boyfriend, “Labadudu (I love you).”
Kaso, hindi type ng isang commenter ang beauty ni Janine kaya sarkastiko ang kanyang komento na, “Sorry, tanggap ko na sexiest pero beauty, pasens’ya, marunong akong tumingin kahit ako babae. Ang mga anak ko, ‘di artista, kung ikumpara sa ganyang actress, mas maganda pa ang anak ko.”
Sey naman ng isa, “Pero walang appeal si Janine.”
May ilan ding nagsabing mas maganda si Kim Chiu na rumored GF ni Paulo Avelino kesa kay Janine na ex-GF ng aktor.
“Hay, naku, nakakaumay na. Wala nang ibang ibinalita kundi maganda, edukada, degree holder, sexy. Puro walang kuwentang ibinabalita. ‘Di man lang ibinalita kung ano’ng ganap n’ya. ‘Di beauty pageant ang pinasok n’ya kundi showbiz. Dapat, tungkol sa career n’ya kung ano ang ganap. Mabuti pa ang KimPau, laging updated ang balita sa kanilang career.”
Ganern?




Comments