Aktres, bad trip na inunahan sila ni Dom sa pag-aming hiwalay na... CRISTY, SINOPLA SI BEA
- BULGAR

- Feb 13, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | February 13, 2024

Umalma ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa parte ng inilabas na pahayag ni Bea Alonzo tungkol sa hindi nito nagustuhan ang mga nangunang magsapubliko ng hiwalayan nila ni Dominic Roque kahit 'di pa sila umaamin.
Sa bagong episode ng Cristy Ferminute na inilabas nu'ng Pebrero 12, sinabi ng kolumnista na dapat ay agad daw kinumpirma nina Bea at Dominic ang lagay ng kanilang relasyon.
Sey ni Cristy, “Kung bakit naman kasi pinatawing-tawing n’yo pa ang panahon. Tapos ngayon, sisisihin n’yo na naman mga press people? Social media bashers na naman?”
Aware raw si Cristy sa kung sino ang tinutumbok ni Bea sa kanyang pahayag.
Magugunitang kinumpirma ni Asia’s King of Talk Boy Abunda na opisyal nang hiwalay ang dalawa, na naunang pinag-usapan sa vlog ni Oige Diaz.
Saad ni Cristy, "Para sisihin mo ‘yong mga tao na unang nagsalita tungkol sa hiwalayan, parang hindi yata maganda sa panlasa. Inunahan n’yo na dapat ‘yan. Inagapan ninyo para wala kayong sinisisi.”
Habang isinusulat ito ay wala pang reaksiyon si Bea Alonzo sa naging pahayag ng batikang manunulat.





Comments