Aktor, wholesome raw kasi… SABRINA, 'DI NAAMING GF NI RICO DAHIL SEXY STAR
- BULGAR
- Jul 19, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 19, 2023

Naniniwala ang TV and radio showbiz-oriented host na si Jobert Sucaldito na maaaring may katotohanan ang sinabi ni Sabrina M. na nagkaroon sila ng relasyon ng yumaong aktor na si Rico Yan.
Sa presscon ng bago niyang show sa YouTube together with theater director na si Direk Rommel “Chaps” Manansala, ang OOTD (Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon), naalala ni Kuya Jobert ang timeline nu’ng ma-link si Sabrina kay Rico.
Tinanong kasi namin si Kuya Jobert kung kailan kaya magiging topic ng kanilang diskusyon sa OOTD show nila ang latest issue sa showbiz ngayon tungkol kina Sabrina at Rico.
Pahayag ni Kuya Jobert, “Ako, ang pagkakaalam ko, during that time, ha? During that time, narinig ko na ang isyu na ‘yan. Pag-uusapan namin ni Direk Chaps ang isyu na ‘yan sa OOTD.
“Narinig ko na ang isyu na ‘yan that Sabrina had an affair with Rico Yan before. Kaya lang siyempre, hindi masyadong pinaputok ‘yun before kasi si Rico ay napaka-wholesome. Eh, si Sabrina is a sexy star.
“Nagulat ako, pero pag-uusapan namin ‘yan. Na napanood ko si Sabrina, na may inamin siya na more than a year yata tumakbo ang kanilang love affair?
“Naisip ko, puwede. Posible ‘yun 'coz that time, narinig ko na ‘yun, eh. Pero akala ko kasi, parang one-night stand lang, mga ganoon ang drama.
“Ang ganda naman ng sinabi ni Sabrina, actually. Nu'ng sinabi niya, kapag may nagtatanong na press sa kanya dati, hindi niya mapatulan ‘yung isyu, kasi nga, walang maniniwala sa kanya, eh.”
Ang OOTD na bagong vlog/talk show nina Kuya Jobert at Direk Chaps ay napapanood na sa Jobert and Chaps Channel sa YouTube.
Nagsimula ang OOTD two months ago pagkatapos ng eye operation ni Kuya Jobert.
“Nagkaroon ako ng cataract, so hindi ako makakita. So, sabi ko, after my eye operation, we can start,” panimulang kuwento ni Kuya Jobs.
“Una, ang plano nga namin, once a week lang muna. Basta ang content lang ay showbiz and politics, saka blind items, alam mo na.
“So, we started a few episodes. Marami-rami na rin. Nagga-gather lang kami ng subscribers.
And in fairness, I would like to thank Direk Chaps because ang kanyang mga plays, naba-vlog niya at saka ‘yung mga estudyante, nagsu-subscribe na sa amin. So, we’re gathering numbers now,” pagbibigay ng update ni Kuya Jobert.





Comments