Aktor, walang arte-arte… INAYAWAN NI ALJUR, SINALO NI COCO
ni Nitz Miralles - @Bida | January 13, 2022

Si Aljur Abrenica pala ang unang in-offer-an ni Director Brillante Mendoza ng lead role para sa pelikulang Apag na puro Kapampangan ang kasama sa cast. Nag-back-out si Aljur sa movie dahil hindi siya fluent sa Kapampangan dialect. Na-pack-up ang dapat ay first shooting day dahil umatras si Aljur.
Dito na tinawagan ni Direk Brillante si Coco Martin na agad pumayag kahit second choice siya.
Isang phone call lang sa aktor ay pumayag na. Inayos ang kanyang schedule at sabi kay Direk Brillante, hintayin siya sa set at dumating nga.
Napuri si Coco sa ginawa niyang ito at hindi isyu sa kanya kung second choice siya.
Ang Apag ay isang all-Kapampangan food movie kaya halos karamihan sa cast ay Kapampangan gaya nina Jaclyn Jose, Gladys Reyes at Sen. Lito Lapid.
Ang hindi lang Kapampangan ay si Shaina Magdayao. Hindi lang kami sigurado kung Kapampangan din sina Mercedes Cabral, Joseph Marco at Gina Pareño na kasama rin sa cast.
Sayang ang oportunidad na pinalampas ni Aljur na masama sa magandang pelikula at maidirehe ni Brillante. Pero, tama rin siya, hindi nga naman siya makakaarte nang tama kung magiging problema niya ang kanyang lines.





Comments