Aktor, todo-punas sa mukha ng aktres… GALAWAN NINA JAK AT KYLIE, PANG-MAGDYOWA
- BULGAR

- 6 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 21, 2026

Photo: GMA
Magkakaroon na naman ng isyu sina Kylie Padilla at Jak Roberto dahil sweet sa training nila para sa pagsasamahang action series na Firewall.
Sa lumabas na video, tama ang comment ng mga fans na parang dyowa kung alagaan ni Jak si Kylie.
May part sa video na pinunasan ni Jak ng tissue ang buong mukha ni Kylie at pati pag-spray ng hand sanitizer sa kamay ng aktres, si Jak din ang gumawa. Si Kylie naman ay ipinaubaya sa aktor ang pagpunas sa mukha niya.
Sa training pa lang, grabe na ang pag-aalaga ni Jak kay Kylie, lalo na siguro kapag nagsimula na silang mag-taping.
Ang nakakatuwa, tanggap ng mga fans sakaling maging sina Jak at Kylie.
Mga comments na, “Sana kayo na nga,” “Happy ako nakita ko sila, sana sila na,” “Napaka-sweet mag-alaga ni Jak kaya masuwerte talaga ang magiging asawa nito,” “Sweet naman ni Jak,” at “Grabe, iba talaga ang spark nila,” ang ilan sa mga mababasa.
Matatandaang nabalita na naging sina Jak Roberto at Kylie Padilla nang unang magsama sa isang series ng GMA at hindi nakumpirma iyon. Baka rito sa bago nilang series, may kumpirmasyon na tayong marinig sa kanila.
PROUD wifey si Marian Rivera sa pagrampa ni Dingdong Dantes sa fashion show ni Randy Ortiz na Randy O.Man. Sumama si Marian kay Dingdong at ipinost ang photos ng hubby niya habang rumarampa.
Caption ng post: “That look. Guwapo naman! @dongdantes.”
Biniro si Marian na may crush siya kay Dingdong at kapag tinanong, aaminin nito na kahit mag-asawa na sila, crush pa rin niya ang mister.
Sa suot ni Marian that night, para na rin siyang rumampa.
May message si Dingdong para kay Randy, “He’s dressed my milestones for decades. Last night, I walked in his. Full circle for our beloved Ninong Randy. Not my usual lane, but for him, always game. Happy 40th!”
Pinuri si Dingdong dahil kahit hindi professional model, nag-standout pa rin sa kanyang pagrampa. Sana raw, dalasan nito ang pagrampa dahil hindi lang damit ang nabibigyan ng highlight, pati ang kaguwapuhan niya.
And speaking of Dingdong, may mga magre-react na naman at aakusahan siyang paborito ng GMA. Dahil ito sa ibinalik ng network ang Amazing Earth (AE) kung saan siya ang host.
Si Dingdong din ang host ng Family Feud (FF) at may upcoming series siyang The Master Cutter (TMC).
Kapag sabay-sabay umere ang tatlong shows, si Dingdong na lang daw ang mapapanood sa GMA.
Siguro, bago magreklamo, ayusin na lang ng ibang mga Kapuso stars ang kanilang trabaho para magaya sila kay Dingdong Dantes na hindi nababakante at laging may show.
PARANG hindi namin maalala ang naging reaksiyon ni Rhen Escaño sa naging sagot ni Joseph Marco na more on wife material si Rhen kesa girlfriend material.
Sabi ng nasa mediacon, nanlaki ang mga mata ng aktres nang marinig iyon sa kanyang leading man. Nabigla yata si Rhen at sigurado naman ang mga fans na kinilig ito.
Imagine nga naman, i-announce mo sa maraming tao na ang leading lady mo sa My Husband Is A Mafia Boss (MHIAMB) ay hindi lang leading lady ang tingin mo, wife material pa’t hindi lang girlfriend. Kaya naman, sobra ang kilig ng mga fans ng dalawa at lalo silang excited na mapanood ang action series ng Viva One.
Hanggang sa Instagram (IG), tuloy ang pagpapakilig ni Joseph na sinasabayan ni Rhen. Kung fan service man ang ginagawa ng dalawa, nakakatulong iyon to promote the series at ang love team nila.
Ang feeling nga namin, ini-stalk ni Joseph ang IG ni Rhen dahil lagi siyang may sagot sa bawat post nito.
Sa post ni Rhen na, “HUWAAAA! KASAL NA TALAGA AKO KAY MR. ROSWELL,” may sagot agad si Joseph na, “Hoy, babae!” na kahit part ng dialogue niya sa series, nagpakilig pa rin sa mga fans.
Ang importante, napi-feel nilang may care ang dalawa sa series at sa love team nila.
Wala palang nakapagtanong kung parehong single sina Joseph Marco at Rhen Escaño dahil kung pareho silang single, may probability na maging real ang love team nila. May problema lang kung may sabit na ang isa sa kanila.




Comments