top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Aktor, todo-displey na sa bagong GF… SHERYL, 'DI PA RIN BINUBURA ANG MGA VIDEOS NILA NI JERIC SA IG

  • BULGAR
  • Mar 19, 2022
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | March 19, 2022




Ang sipag mag-“I love you” ni Jeric Gonzales sa girlfriend niyang si Rabiya Mateo na kaya nalaman ng fans ay dahil sa Instagram niya, may post itong: “To more memories with you @rabiyamateo I love you.”


Sa IG ni Rabiya, mababasa ang “Let’s be happy together. I love you.”


May mga nagpayo kay Jeric to take care of Rabiya na mahusay daw mag-alaga at malambing dahil Ilongga. May nagbiro namang iuwi na ni Jeric sa Calamba si Rabiya at ang nakakatawang comment na “Beh, ‘wag mo munang jontisin si Rabiya, magmi-Miss World pa ‘yan.”


May nag-comment naman na break na pala sina Jeric at Klea Pineda na never namang naging magdyowa. Magka-love team lang sila sa Magkaagaw. Mas na-link pa nga si Jeric kay Sheryl Cruz.


Sa interview kay Jeric sa 24-Oras, nabanggit na two months na ang relasyon nina Jeric at Rabiya at nag-celebrate ng monthsary sa isang dinner. Kuwento ni Jeric, fan siya ni Rabiya at una silang nagkita sa set ng Wish Ko Lang at pagkatapos noon, niligawan na niya ang beauty queen.


“Proud kaming i-share sa tao na ito ang totoo. We want them to share our happiness. Rabiya is down to earth. Talagang naniniwala ako na you have to wait, ang mga gusto mo, makukuha mo rin,” sabi ni Jeric.


Masaya ang mga fans ni Jeric para sa kanya dahil may love life na, may bago pang project sa GMA-7 dahil kasama siya sa cast ng Start-Up kasama sina Alden Richards at Bea Alonzo. Si Rabiya naman ay napapanood sa Agimat ng Agila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page