Aktor, tatay na raw, babaero pa… CHARLIE, WINARNINGAN NG NETIZENS KAY CARLO, PINALALAYO NA
ni Nitz Miralles @Bida | January 5, 2023

Nag-react ang ilang nakabasa sa “Ayun na!!!” comment ni Jolina Magdangal at emoji comment ni Dimples Romana na may red heart sa post ni Charlie Dizon ng photo nila ni Carlo Aquino.
Tinawag silang “mga titang mambubuyo” at kunsintidor daw ang dalawa dahil alam naman nilang may anak na si Carlo at iniwan nito ang kanyang mag-ina.
Sa mga comments, ang daming kontra sa relasyon nina Charlie at Carlo dahil nga bukod sa may anak na si Carlo, hindi raw maganda ang history sa mga nakarelasyon. Saka, malayo ang kanilang age gap. Si Carlo kasi ay 37 years old na at si Charlie ay 26 years old lang.
Sa mga nagsabi namang promo lang nina Carlo at Charlie ang pagiging sweet para sa movie nilang showing this year, bakit daw sa photo, nakapatong ang kaliwang braso ni Charlie sa hita ni Carlo at ang kaliwang braso naman ni Carlo ay nasa kaliwang hita ni Charlie?
May mga nagwi-wish namang sana ay matauhan si Charlie at ngayon pa lang daw ay tumakbo na siya. Saka, deserve raw ni Charlie ang guy na walang sabit, pero single pa rin naman daw si Carlo dahil hindi ito kasal sa kanyang ex.
Ang latest, spotted sa La Union sina Carlo at Charlie at ang netizens ang mas nagre-react kesa sa ex-partner ni Carlo na si Trina Candaza na nag-post na “We lost someone whom I thought will be the man who will always keep us safe, someone who will protect us. But little did I know he will be the one who is very excited to remove us from his life.”





Comments