Aktor, sinisiraan daw ng ka-love team… KEN AT RITA, DEDMAHAN SA B-DAY PARTY NI JULIE ANNE
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | May 24, 2022

Hindi raw nagpapansinan ang dating magka-love team na sina Rita Daniela at Ken Chan noong birthday party ni Julie Anne San Jose.
Pareho silang dumalo sa party ni Julie Anne dahil puro kaibigan ang kanilang inimbita.
Pero, marami ang nakapansin sa malaking pagbabago kina Ken at Rita. Dinededma-dedma na lang daw nila ang isa't isa. Hindi na sila tulad ng dati na super sweet at inseparable.
Dinamdam kaya ni Rita Daniela ang pagkabuwag ng love team nila ni Ken Chan? Ipinareha na kasi si Ken sa iba't ibang Kapuso stars.
Ayon sa ilang malalapit na kaibigan, malaki ang tampo ni Ken kay Rita. May chikang sinisiraan daw kasi si Ken ng dati niyang ka-love team.
So, hindi pa pala nagkakaayos sina Rita at Ken. Lagi na lang ba silang mag-iiwasan?
Samantala, sobra namang affected ang mga fans ni Bianca Umali dahil sa bagong twist sa istorya ngayon ng Mano Po Legacy: Her Big Boss.
Bigla kasing nagbago at lumamig ang pakikitungo ni Richard Lim (Ken Chan) kay Irene Pacheco (Bianca). Kung kailan may feelings na rin si Irene sa kanyang boss ay saka naman nagbago ang lahat. Kaya, mukhang pinaasa lang siya ng kanyang Boss Richard.





Comments