top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Aktor, proud na proud sa single mom na GF… MARCO AT CRISTINE, AYAW NANG MAGHIWALAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 29, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 29, 2023




Mukhang seryoso na nga ang relasyong Cristine Reyes at Marco Gumabao dahil madalas silang nakikitang magkasama at halos ayaw nang maghiwalay.


Mukha ngang proud na proud si Marco kay Cristine dahil sa mga interviews nito ay sinasagot naman niya ang mga tanong ng press people tungkol kay Cristine.


Hindi na umiiwas pa sa press si Marco 'pag pinag-uusapan ang tungkol sa kanyang love life.


Tanggap din ni Marco ang buong pagkatao ni Cristine, pati na rin ang anak ng aktres.


Sabi nga ni Marco, hindi lang girlfriend material si Cristine, wife material din daw, dahil nakikita niyang maasikaso ito at isang mapagmahal na ina sa kanyang anak.


Kaya naman hindi na magugulat ang lahat kung sakali na si Cristine na ang babaeng pakakasalan ni Marco.


Magkasundung-magkasundo ang dalawa sa maraming bagay at pareho ang kanilang mga personalities at maging ang mga hilig nila sa buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page