top of page

Aktor, papansin lang daw… DANIEL, SI KAILA LANG ANG PINA-FOLLOW SA TIKTOK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 7, 2026



BIDA - DANIEL, SI KAILA LANG ANG PINA-FOLLOW SA TIKTOK-IG _kailaestrada1121 & TT _mang_daniel

Photo: IG _kailaestrada1121 & TT _mang_daniel




Consistent si Luigi Muhlach sa pagtawag ng ‘bayaw’ sa boyfriend ng kapatid na si Kaila Estrada na si Daniel Padilla. 


Actually, wala si Daniel sa post kung saan tinawag siyang bayaw ni Luigi. Sa Instagram (IG) account ng pinsan ni Luigi na si Andrew Muhlach nabasa ang convo ng magpinsan.


Sa photo, makikita si Andrew na nakaupo at may hawak na cellphone at tila bagong gupit. Pareho sila ng haircut ni Daniel kaya siguro napa-comment si Luigi ng “Bayaw? Is that you? @supremo_dp.” 


Sumagot si Andrew ng “Loko, loko, hahahahaha! G na kuys @supremo_dp see u soon!”

Hindi lang si Luigi ang nakapansin na naging kamukha ni Andrew si Daniel sa bagong istilo ng buhok nito kundi maging ang ilang mga netizens.


Ikinatuwa ito ng mga fans nina Daniel at Kaila at ibig sabihin nito, tanggap na tanggap na ni Luigi si Daniel na boyfriend ng kanyang kapatid. 


Sabagay, simula pa lang ng relasyon nina Daniel at Kaila, tanggap na ito ni Luigi. Nagba-bonding sina Luigi at Daniel by playing golf at nagkikita ang dalawa sa family event ng mga De Belen.


Samantala, ikinatuwa ng mga shippers nina Daniel at Kaila ang ginawa ng aktor na sa pagiging subscriber niya sa TikTok (TT), si Kaila lang ang kanyang pina-follow. Sweet gesture ito para sa kanilang mga fans dahil walang magiging dahilan para magselos si Kaila na baka mauwi sa away. Ang haba raw ng hair ni Kaila.


Pero kung may mga natuwa, meron ding nag-react. Papansin lang daw si Daniel at gustong mag-trending. Ang mga netizens ang nag-react para sa aktor, hayaan na raw sina Daniel Padilla at Kaila Estrada at mag-move on na ang dapat mag-move on at makikita naman na so in love ang aktor sa GF.





Tatlo sa ipinakilalang parte ng first block ng Star Worx sina Spencer Capistrano, Patrick Ballesteros at Nico Matugas. May kani-kanyang katangian ang tatlo na agad napansin ng media na present sa launching ng Star Worx talents.


Si Nico ay taga-Siargao, surfer, maganda ang body fit kaya napa-comment ang columnist na si Rommel Gonzales ng “It shows” na ipinag-react ng mga fans. 


Active sa sports ang 20-year-old lad at aside from surfing, he’s into football at isa ring digital content creator. Graduate siya ng AB Communication mula sa Ateneo de Manila University (ADMU).


Ang malalim na boses ni Patrick naman ang mapapansin sa 18-year-old guy. He is into acting, singing, dancing and hosting. Kasama sa skills niya ang voice modulation at kaya niyang baguhin ang kanyang boses. Kabilang pa sa mga interests ni Patrick ang billiards, motorcycles, football at open siya sa iba’t ibang sports.


Si Spencer ay 25 years old, may pagka-Janno Gibbs ang datingan. Skills nito ang pagiging versatile in acting, modelling and dance performance. He plays basketball, badminton at mahilig din sa running at culinary exploration. Graduate siya ng BS Psychology mula sa University of Makati (UMAK).


May mga nakalatag nang projects ang tatlo pero abangan na lang daw. Ang maganda, open ang tatlo sa anumang project na ibibigay sa kanila ng Star Worx at ng TV5. 


Habang wala pa silang acting project, puwede silang mag-guest sa Vibe at sa Eat… Bulaga! (EB!) for experience and exposure.





Hindi matanggap ng ibang fans na nagsusuot ng medyo revealing outfit si Barbie Forteza at tingin siguro ng iba ay teen-ager pa ito, eh, 28 years old na ang aktres at puwede na siyang magpakita ng pusod at cleavage.


May nag-react kasi nang makita si Barbie sa isang birthday party na parang bra top ang suot, pero may bra pa rin siyang suot. Hindi lang pusod kundi tiyan ang naka-expose at akala mo, magbo-bold na ang aktres.


Ang hindi napansin ng mga fans, halos ganoon din ang suot ng ibang bisita dahil ‘bold and beautiful’ ang theme ng party at sumunod lang si Barbie. Ano na raw ang nangyari sa aktres at bakit nagbo-bold na ito?


Maharot din daw itong sumayaw na ikinatawa na lang ng mga fans ng aktres. Party iyon, nagkakasayahan ang lahat, nagkakantahan at nagsasayawan. 


Well, ang payo ng mga fans ni Barbie Forteza sa mga hindi matanggap ang ‘new’ look niya, bumitaw na lang sa pagsuporta sa aktres at huwag nang manira at maging basher.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page