Aktor, no show sa kasal ni Claudia at b-day ni Marjorie… GERALD AT JULIA, HIWALAY NA RAW
- BULGAR
- 2h
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 25, 2025
Photo: Gerald at Julia - Bulgar, IG
Binati naman ni Gerald Anderson si Marjorie Barretto sa birthday nito at tsika ng mga fans, tumulong ang aktor sa kampanya ng nanay ni Julia Barretto.
Pero bakit may mga tsikang break na sina Gerald at Julia?
Ang pinagbatayan ng tsikang ito ay dahil wala ang aktor sa birthday party ni Marjorie. Dati naman daw, laging present ang aktor sa birthday ni Marjorie, saka lahat ng family events ng mga Barretto, present siya. This year lang absent si Gerald sa birthday ni Marjorie.
Isa pang napansin ay ang absence ni Gerald sa wedding ni Claudia Barretto, ang sister ni Julia na close rin sa aktor. Sigurado naman daw na invited ang aktor sa wedding, unless, hindi siya invited kaya wala siya.
Sagot ng mga fans ni Gerald, may taping ito ng bago niyang series sa ABS-CBN nu'ng wedding day ni Claudia, kaya siguro wala, and for sure, naintindihan ‘yun ni Claudia at ng pamilya nito.
Dagdag pa ng mga fans ni Gerald, isang okasyon lang sa pamilya ni Julia ang wala siya, isyu na agad. Sana raw, bago maglabas ng mga balitang break na ang dalawa ay siguraduhin muna dahil maraming fans ang malulungkot.
Sabagay, isang photo lang nina Julia at Gerald na magkasama, mawawala na ang balitang hiwalay na sila. Baka nga naman busy lang ang dalawa, kaya hindi nagkikita. Tama namang huwag silang pangunahan.
John, miss na miss na raw si Nora…
LOTLOT: TODO-PARINIG SA SINUNGALING AT USER
IPINAPA-CHECK ni John Rendez sa mga followers niya sa Facebook (FB) ang interview sa kanya ni Julius Babao sa vlog nitong Unplugged sa YouTube (YT).
My Life with Nora Aunor ang title ng interview kay John na napanood din yata o naiparating kay Lotlot de Leon.
Walang sey si Lotlot, nag-post lang ng cryptic post na, “People who use other people as stepping stones will one day lose their balance.”
Sinundan ng “The truth always comes out,” at may post pang “Truth/Lie” at nakaturo sa ‘lie’ ang detector.
May mga naniniwalang reaksiyon ni Lotlot ang cryptic post sa interview ni John, pero dahil cryptic post, hindi makukumpirma.
Dahil sa interview ni John at sa post ni Lotlot, kani-kanyang tanggol ang kampi sa aktres at sa mga kapatid nito at mga kampi naman kay John.
Anyway, mababasa sa FB ni John ang mga posts niyang, “I dreamt of you last night. We were on a train and you were looking out the window. You left your bag and glasses behind.
“I ran to give it to you before the door closed. Then I woke up.”
Sinundan ng isa pang post na, “Right about this time every day I break down and cry. I miss you so much.”
Si Nora ang tinukoy ni John na napanaginipan niya at nami-miss niya. Nabanggit nito na noong birthday ni Nora, hindi siya nakapunta sa Libingan ng mga Bayani dahil malayo sa kanya. Nagpa-mass na lang siya sa Angeles City.
Later on, nakita siya sa Eastwood, kung saan nagkita-kita ang mga Noranians sa may marker ni Nora Aunor sa Walk of Fame.
Sa pagtatapos ng video ni John, sey nito, “I love you forever.”
MAY nakita kaming picture nina Sam Versoza at Rhian Ramos, magkatabi ang dalawa at tila may tinitingnan. After the elections yata kuha ang larawan nila dahil bagong gupit si Sam. Back to normal ang ganap ng magdyowa at balik sila sa kanilang mga ginagawa before the elections.
Wish ng mga supporters ni Sam, balikan nito ang TV show niya sa GMA-7 dahil marami siyang natutulungan. Nang mangampanya siya, si Rhian ang pansamantalang nag-host ng show, pero nag-gi-guest pa rin si Sam.
As for Rhian, magiging busy siya sa promo ng Encantadia The Last Chronicles: Sang’gre (ETLCS). Excited na ang mga fans ni Rhian at ang Encantadiks dahil kontrabida ang role niyang si Mitena. Pinangunahan na ng fans na hindi sila magagalit kay Rhian kahit kontrabida siya sa fantaserye.
Sa June 19, 2025 na ang world premiere ng ‘Sang’gre’ at kabilang si Rhian Ramos sa bagong karakter. Astig ang mga costume nito, lalo na ang kanyang warrior costume na suot niya tuwing nakikipaglaban.