Aktor, nanliligaw pa lang daw, pero… FYANG, PANAY ANG HAWAK SA HITA NI JM
- BULGAR

- 6 hours ago
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 13, 2026

Photo: JM Ibarra at Fyang Smith - Instagram
Tinawag na “National Aminan Day” ang ginanap na grand mediacon ng Regal Entertainment kahapon para sa first solo movie ng tambalan nina Fyang Smith at JM Ibarra, ang Almost Us na showing na in cinemas nationwide on May 6.
Kaya naman, inasahan talaga ng lahat na may aaminin ang dalawang bida ng movie sa real score sa kanilang relasyon.
In fairness, inamin naman ni Fyang na nanliligaw talaga sa kanya si JM, pero hanggang ligawan pa lang daw at hindi pa sila magkarelasyon.
Sinegundahan naman ni JM ang inamin ni Fyang at sinabing walang ibang babae sa buhay niya ngayon kundi ang ka-love team lang.
Pero ang napansin lang namin sa dalawa, sobrang komportable na sila sa isa’t isa at parang hindi naman galawan ng nagliligawan pa lang ang mga gestures nila.
Kung si JM ay paakbay-akbay kay Fyang, panay naman ang hawak at patong ng kamay ng aktres sa hita ng ka-love team.
At kapag nagsasalita si JM, talagang napapatitig sa kanya si Fyang at may pasaway-saway pa minsan ang aktres sa mga ikinikilos ng aktor, huh?
Oh, ‘di ba? Ganyan na pala ang level ng nagliligawan ngayon, ibang-iba nu’ng panahon namin, char!
Pero in fairness, malakas ang kilig at chemistry nina JM at Fyang at tama si Direk Dan Villegas, hindi na kailangang turuan ang dalawa dahil napakanatural na lumalabas ang lakas ng chemistry nila sa mga tinginan at galawan pa lang.
Gaganap na mag-best friend sa Almost Us sina Fyang at JM, habang fangirl ang drama rito ng aktres sa napakaguwapo at fresh na fresh na si Dustin Yu.
Aminado si Dustin na nami-miss niya ang ka-love team na si Bianca de Vera dahil hindi ito kasama sa Almost Us, pero pumayag siyang mag-support sa tambalang JM-Fyang dahil maganda ang role niya at hindi niya iniisip na pang-third wheel lang siya sa movie.
Mula sa screenplay nina Miguel Sevilla at Juvy Galamiton at produced by Regal Entertainment nina Ms. Roselle Monteverde at Keith Monteverde katuwang ang Project 8 Projects, abangan ang summer feels kilig na hatid nina Fyang Smith, JM Ibarra at Dustin Yu kasama sina Yuki Takahashi, Sam Samarita at JM Salvado sa May 6 showing ng Almost Us sa mga sinehan.
BALIK-PELIKULA ang tinaguriang Ms. Flawless ng showbiz na si Laguna 3rd District Board Member Angelica Jones via Neophyte 26 na pinagbibidahan nila nina Derrick Monasterio, Elle Villanueva at Jon Lucas.
Sa grand mediacon ng movie na mula sa direksiyon ni Rommel Penesa, ayon kay Bokal Angelica, malaki ang tiwala niya sa kanilang direktor na nakasama rin niya sa isang serye na ginawa niya sa GMA-7.
Kaya naman nang i-offer sa kanya ang role sa Neophyte 26 kung saan hindi comedy kundi heavy drama for the first time ang kanyang gagawin bilang nanay ni Derrick Monasterio, agad umoo si Angelica dahil hindi nga naman dapat palagpasin ang ganitong pagkakataon kung saan mapapatunayan niyang may ibubuga rin siya sa acting at hindi lang pang-comedy.
And true enough, sa ipinakita pa lang na trailer ng Neophyte 26, marami sa mga nakapanood ang nagulat at napahanga ni Angelica dahil may lalim na ang kanyang pag-arte ngayon at hindi na ‘yung pa-cute na ginagawa niya noon sa kanyang mga projects.
Aminado naman si Bokal Angge na sa dami ng heartbreaks na pinagdaanan niya sa buhay, lalo na sa larangan ng pag-ibig, marami na siyang ‘bubog’ na nakatulong sa kanya para may mailabas na acting talent sa Neophyte 26.
At kahit nga ang unico hijo ni Angelica Jones na si Angelo Jones Alday na may special participation din sa movie ay napuri ng mga press dahil sa ipinakita nitong acting sa mga drama scenes sa kabila ng hindi naman ito nag-acting workshop.
Thirteen years old pa lang ngayon si Angelo at first acting job niya sa Neophyte 26. Pero ang dream daw talaga niya ay maging lawyer.
Pinayagan siya ng inang si Angelica na maging part ng movie dahil makaka-inspire ito sa mga kabataan na sumasali sa fraternity at hazing.
Napapanahon ang tema ng pelikula kaya napapayag din si Angelica na maging parte nito dahil nga bilang ina at board member, advocacy din niyang makapagbigay ng awareness sa mga magulang para maiwasan ang trahedyang nawawalan ng anak kapag nabibiktima ng hazing.
Bukod sa hazing, tatalakayin din sa Neophyte 26 ang issue ng bullying, drugs at strong family values.
Sa April 22 gaganapin ang block screening ng Neophyte 26 sa Vertis North, QC. Nakatakda rin itong ipalabas sa mga sinehan at schools sa Laguna at balak din ng production na isali ito sa mga film festivals abroad kapag nailibot na sa buong bansa.
Kasama rin sa cast ng pelikula sina Neil Ryan Sese, Lance Raymundo, Andrea del Rosario, Maxine Trinidad, Mosang, Mike Lloren, Chris Leonardo, Ronald Adamat among others.
Kaya raw sumunod sa aktor sa Paris…
KIM, NAG-DOUBLE KAY NADINE SA KISSING SCENE KAY PAULO
TRENDING topic ngayon sa social media ang diumano’y pagdo-double ni Kim Chiu kay Nadine Lustre sa kissing scene ng aktres kay Paulo Avelino sa pelikulang kinunan nila sa Paris recently.
Wala pang title ang pelikula na si Direk Antoinette Jadaone ang direktor at mula sa Viva Films.
Kung matatandaan, napabalitang naunang pumunta sa Paris sina Paulo at Nadine para nga mag-shoot ng movie, pero pagkatapos ng ilang araw, napabalitang sumunod du’n si Kim Chiu, na ang press release naman ay para mag-aral ng business and marketing course sa loob ng 3 linggo.
Sa kanilang pagbabalik-‘Pinas, nag-viral ang ilang pictures ng diumano’y kissing scene nina Paulo at Nadine na ang napuna ng mga netizens, kapareho ng suot na earrings ni Kim ang kahalikang babae ni Paulo sa naturang eksena.
Kaya naman, ang espekulasyon ng mga fans, si Kim ang talagang kahalikan ni Paulo sa naturang eksena at hindi si Nadine Lustre.
Kaya raw siguro pinasunod ni Paulo si Kim sa Paris ay para ito nga ang mag-double kay Nadine sa naturang eksena.
Natuwa naman ang mga KimPau fans dahil kung totoo raw ito, malaki pala ang respeto ni Paulo kay Kim dahil loyal siya sa kanyang ‘asawa’ (‘yun ang tawag ng fans sa relasyon ng KimPau) at ayaw makipaghalikan sa ibang babae kahit pa work lang.
Hmmm… Ganu’n nga kaya o baka naman may ibang kuwento rito?
For sure, isa ‘yan sa mga itatanong kapag nag-promote na ang Nadine-Paulo movie.




Comments