top of page
Search
  • BULGAR

Aktor, nakipagmiting sa GMA execs, 'di siya isinama… WILLIE, MASAMA ANG LOOB KAY JOHN LLOYD, OUT NA

SA SITCOM NILA?


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 23, 2021




Marami ang nagulat sa kumalat na balitang masama ang loob ni Willie Revillame kay John Lloyd Cruz dahil kamakailan lang ay magkasama sila ng Wowowin host sa shoot sa Palawan para sa TVC ng isang online shopping.


Si Willie rin ang tumayong manager ni Lloydie para makapag-guest sa big event ng online shopping na ginanap sa Smart Araneta Coliseum at ipinalabas sa GMA 7.


Pero bago pa lumabas sa GMA si John Lloyd ay nakaisip na sina Willie at Direk Bobot Mortiz na gumawa sila ng sitcom at ang TV host ang producer.


Sumakto naman dahil positibo ang feedback sa muling paglabas ng aktor sa telebisyon para sa online shopping.


Hanggang sa marami na ang kumausap kay Lloydie tulad ng mga GMA executives na sina Joey Abacan at Ms. Annette Gozon-Valdes na kahit wala pang binanggit kung ano ang pinagmitingan ay siniguradong may project ang aktor sa nasabing network.


At dito na pumutok ang tsikang nagtampo si Willie dahil nakipag-meeting si JLC sa mga GMA executives nang hindi siya kasama.


Base rin sa tsikahan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa bagong vlog ng una na Ogie Diaz Showbiz Update nitong Martes (Hunyo 22) ay tinanong ng huli ang talent manager kung ano ang komento niya sa tampo ni Willie kay John Lloyd.


Walang isinagot ang kaibigan ni Lloydie dahil hindi pa niya alam ang isyu at mas mabuting hayaan daw ang aktor na magsalita tungkol dito.


Samantala, tinanong namin ang taong malapit kay Willie tungkol dito at inamin niyang hindi na nga siya ang producer o isa sa mga producers ng sitcom ni Lloydie.


Ayon kay Willie, “Hindi totoo (nagtampo ako). Sobrang busy ko lang kaya hindi ko na kaya.”


Hayan, maliwanag, walang tampo o galit si Willie kay John Lloyd Cruz.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page