top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Aktor na si Dominic Roco at 4 iba pa, arestado sa buy-bust sa QC

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 1, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | October 1, 2022



Arestado ng mga awtoridad ang aktor na si Dominic Roco at apat na iba pa sa isang townhouse sa Quezon City matapos ang isinagawang drug buy-bust operation.


Batay sa report ng GMA News, target sa ikinasang buy-bust operation si Reynaldo Sanchez, na isa sa mga nadakip ng pulisya sa Don Antonio Heights, Barangay Holy Spirit ng naturang lungsod.


Bukod kina Roco at Sanchez, arestado rin ang isang babae at 2 iba pang lalaki.


Nakumpiska sa mga suspek ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P102,000, at 10 gramo ng umano'y marijuana na humigit-kumulang sa P14,000 ang halaga.


Sa nai-post sa Twitter ng GMA News bago magmadaling-araw ngayong Sabado, makikita ang mga suspek habang nakalatag sa harapan nila ang umano'y ilegal na droga, marked money, at isang cellular phone na iprinisinta sa media ng Quezon City Police District's Holy Spirit Police Station.


Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page