Aktor, kilala raw niya… PHOEBE: KIT, MAY DAHILAN KAYA NABUGBOG SI ANA
- BULGAR

- Mar 28, 2022
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | March 28, 2022

Nakasabay dati ni Phoebe Walker sa FPJ, Ang Probinsyano ang kapwa niya sexy star na si Ana Jalandoni, habang nakatrabaho rin niya ang boyfriend nitong si Kit Thompson sa Maalaala Mo Kaya, kaya mas kilala ni Phoebe si Kit kesa kay Ana.
"I just felt bad about what happened. Kasi kilala ko si Kit, eh. Wala siyang ganoong personality at all. There must have been something that triggered him to have done it, but, uh, I don't know. Personal ano na po niya 'yun," komento ni Phoebe sa iskandalong nangyari kina Ana at Kit.
Bilang babae, hindi siya pabor sa sinapit ni Ana.
"Oh, yeah. You know, whatever reason it was, I don't think allowed 'yung mga ganoong pananakit ng babae, 'di ba? Kasi, ang lalaki, mas malakas talaga 'yan sa babae. An option is to just walk away. Mas maganda kung ganu'n na lang po sana ang nangyari. But, I don't want to judge kasi I don't know what happened. It's between them," sabi pa ni Phoebe.
Kahit daw sa kanya mangyari 'yun, magpa-file siya ng case gaya ng planong gawin ni Ana kontra Kit.
"Siguro po, I will file a case. Pero depende po, eh. Depende what is behind the story. If he was my boyfriend, I would probably walk away from the relationship. Pero to file a case? Depende sa extent ng nangyari sa akin. If I am traumatized by it, then I would probably go deeper and file a case."
Diretsahang inamin din sa amin ni Phoebe na wala siyang boyfriend as of the moment.
Nakausap namin si Phoebe sa special screening ng kanyang anti-drugs advocacy film na pinamagatang The Buy Bust Queen sa direksiyon ni JR Olinares. Isa si Phoebe sa mga magbibigay-buhay sa pelikula ng babaeng drug enforcer sa totoong buhay.
"Sobrang proud and happy na nabibigyan ng chance kasi konti lang ang babaeng nabibigyan ng action film at isa ako sa napipili na gumanap. Pressure rin sa akin to be in top shape.
Kailangan, tama 'yung gawa ko sa mga eksena."
At kahit bida na ngayon sa pelikula si Phoebe, very much willing pa rin daw siyang tumanggap ng supporting roles.
"Opo, nagsimula po ako sa extra. So I really appreciate it kahit support po, tatanggapin ko. Hindi po ako namimili ng role. I'm just happy to be working lalo na pandemic."
Sabi ni Phoebe sa amin, never daw siyang gumamit ng ipinagbabawal na gamot.
"Kasi alam ko naman po na walang magandang maidudulot. Of course, I hear it from accounts ng friends ko, mga kakilala ko na may kakilala na ginagawa nila (ang pagdodroga). So, what's the point po kung masisira lang din ang buhay ko especially now that I'm tied with PDEA? Kailangan, isapuso ko lang din ang advocacy nila," esplika ni Phoebe.





Comments