Aktor, iniwan sa EDSA… KOTSE NI ERIC, KINARNAP
- BULGAR

- 5 hours ago
- 4 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 13, 2026

Photo: Eric Quizon sa Fast Talk with Boy Abunda
Napansin ng King of Talk na si Boy Abunda na tipong bumata ang aktor-direktor na si Eric Quizon nang mag-guest ito sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).
Sa panayam ay napag-usapan ang tungkol sa first talent fee (TF) na natanggap ng mahusay na aktor na si Eric.
Kuwento ni Eric, “I was very lucky, Kuya Boy, because at that time, I was asking for a car. Pero that was during the time ng EDSA Revolution.
“So, inflation. Sobrang mahal ng lahat ng bagay. Kasi sa family namin, pagdating mo ng 18 (years old), binibigyan ng kotse. Biglang ako, ‘Ba’t ako, 18 (years old) na ‘ko, ‘di ako binigyan ng kotse.”
Sa panayam ay sinabi ni Eric na tinawagan siya ng Rodolfo ‘Dolphy’ Quizon (RBQ) Production para gumawa ng isang pelikula.
Saad ni Eric, “Tumawag sa akin ‘yung mga tao sa RBQ. So, what if we give you a new car? Would you say yes?
“Sabi ko, ‘Yes.’ Umoo agad ako, I said yes right away. So, my first talent fee was a car.”
Tanong ni Boy, “What happened to the car?”
Saad ni Eric, “After 1 month and 22 days, right in front of GMA, EDSA, tinutukan ako ng baril, pinababa ako ng kotse. Kinarnap ‘yung kotse ko, iniwan ako sa gitna ng EDSA. So, ‘yun ‘yung nangyari.”
Sa panayam ay napag-usapan kung nakatulong ba para mapadali o lalo lang nagbigay ng pressure ang pagiging anak niya ng Comedy King na si Mang Dolphy.
Saad ni Eric, “It was easy for me because everything was laid out on a silver platter. Parang ‘yun na, sige na, si Eric ‘yan, may mga ganu’n.
“However, may pressure rin kasi parang ‘Ah, anak lang ‘yan ni Dolphy. ‘Di n’ya mapapantayan ang daddy n’ya,’ which is like parang kailangan ko pang galingan. So, parang nagkaroon ng point na ganu’n.
“That’s why, ‘di talaga ako nag-comedy. It was more of like, I went around the matinee idol tapos nag-aral ako. That’s why kasi para maiba. I want it to be away from that. Pero wala rin, du’n din kasi minsan napupunta.”
Tanong ni Boy, “Sino ba talaga ang first girlfriend mo sa showbiz?”
Saad ni Eric, “Well, kasi bata pa kami noon. So, she was 16, I was 19. Kris Aquino. A lot of people know that naman.”
Dagdag na tanong ni Boy, “I know that si Kris, have you seen, have you spoken?”
Saad ni Eric, “I haven’t spoken to her. Sometimes I would message her. I’m glad she’s getting better. I’m happy for her.”
Hirit na tanong ni Boy, “Naging girlfriend mo si Dina Bonnevie?”
Saad ni Eric, “We had a special relationship. One thing I really like about her, ang sarap n’yang kausap. Never a dull moment, and I really respect her so much.”
Sey naman ni Boy, “And you know what people don’t realize about Dina, the Dina that I know or you know, she’s actually very kind and very compassionate, but very straightforward.”
Saad ni Eric habang nakangiti, “Oo, sobrang straight.”
Well, sayang at hindi sina Dina Bonnevie at Direk Eric Quizon ang nagkatuluyan. Sure si yours truly na kung sila ang nagkatuluyan ay nabiyayaan sila ng magagandang anak.
INABANGAN ang pasabog na premiere ng bagong ABS-CBN action-drama series na Blood vs. Duty (BVD) sa primetime TV at digital platforms na agad kinapitan ng mga manonood at naging most-watched series sa Netflix Philippines dahil sa nag-aalab na kuwento nito tungkol sa ilegal na armas.
Nagsimula nang ipalabas ang maaksiyong teleserye sa ABS-CBN, ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live noong Lunes, Abril 6, 8 PM, habang napapanood na rin ang advanced episodes nito sa Netflix at iWant simula noong weekend.
Nasaksihan sa pilot episode ng BVD ang misyon nina Marcus (Richard Gutierrez), Lara (Bela Padilla), at Felix (Baron Geisler) bilang agents na pigilan ang pagkalat ng illegal firearms. Samantala, magugulo naman ang komunidad nina Jalil (Gerald Anderson) at Jamilah (Barbie Imperial) na madadawit sa pagtatago ng ilegal na armas.
Pinuri ng mga manonood ang malalim na kuwento at ang husay ng powerhouse cast ng serye.
“Grabe, halimaw talaga si Richard Gutierrez sa action! Ang galing ng mga sipa n’ya at ang husay n’ya sa karate. Pang-Hollywood ang level ng fight scene at grabe ang sagupaan nila ni Gerald,” saad ng Facebook user.
“Richard and Gerald show the two sides of justice and fairness. They may be protagonists here with different perspectives,” komento ng isa pang Facebook (FB)
user.
“Bagay kay Bela maging intelligent agent. Matalino, madiskarte, at matapang!” ani ng isang fan.
“Sa role ni Baron, panigurado, marami na naman ang maha-high blood sa sobrang galit at isa na ako ru’n. Sobrang galing kasi n’ya na gumanap sa karakter n’ya,” saad ng netizen.
“Interesting ang story ni Barbie rito. Magiging mabait pa rin kaya s’ya sa gitna ng pagsubok sa mga susunod na mga episodes?” komento ng netizen.
“Sobrang timely ng story at parang repleksiyon ng mga nangyayari ngayon sa Pilipinas,” post ng X user.
Para mapanood ang Blood vs. Duty sa ABS-CBN sa ALLTV2, buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang ALLTV2.
‘Yun lang, and I thank you.




Comments