Aktor, inistorbo kahit kumakain… MMDA ASEC. PIALAGO, NAGPA-SELFIE KAY JOHN LLOYD SA RESTO

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 18, 2021

Nagagawa na ni John Lloyd Cruz na pumunta sa kahit saan niya gusto.
Sa Facebook account ni MMDA Asec. Celine Pialago ay may kuha silang larawan ng aktor. Nagpaka-fangirl ang former beauty queen, na ngayon ay isa nang opisyal ng gobyerno, kay JLC nang maispatan niyang kumakain ito sa kanilang restaurant.
Kahit kumakain ay tumayo at nagbigay-pugay si Lloydie sa MMDA Asec. Kinuha ni Pialago ang pagkakataon at nag-selfie photo sa aktor.
Ang caption ni Asec. sa kuha nilang larawan, “Ooopppsss may bisita kami sa resto! Tumayo pa talaga si Sir Popoy habang kumakain. Super nice and super humble. (Sabay promote ng kanilang resto.) Visit us at Royal Indian Curry House, Poblacion, Makati.”
Komento tuloy ng netizen, “Mutya ng Masa dislikes this. Haha!”
Kung matatandaan, nakaalitan ni Asec. Celine ang tinaguriang Mutya ng Masa na si Doris Bigornia.
Pinaratangan naman ng isang netizen na DDS ang aktor.
“Alam na this, JLC is DDS. No wonder he never gave support to abs franchise renewal. Now I’m convinced JLC is not just a good actor but smart as well. Keep it up, bro!”





yan.. dyan ka magaling.. ayusin mo traffic sa mmda..