Aktor, iba raw kasi ang gusto... KIM AT PAULO, PANG-LOVE TEAM LANG, 'DI SWAK NA MAGDYOWA
- BULGAR
- Feb 23, 2024
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 22, 2024

Ayon sa feng shui consultant and Traditional Chinese Medicine (TCM) practitioner na si Jean Yu Chua, hindi raw talaga masyadong maganda ang taong 2023 para kay Kim Chiu sa aspeto ng relasyon.
Matatandaan ngang nag-break sina Kim Chiu at long-time boyfriend na si Xian Lim last year.
“Nangyari ‘yan (KimXi breakup) last year, 2023. So, in relationship aspect of the person, let’s say siya (Kim), Year of the Horse, so ang relationship luck niya, hindi ganu’n ka-strong, so might be mayroon siyang mae-encounter na challenges or mga issues sa relationship,” sey ni Jean sa tsikahan with the entertainment press sa Pandesal Forum ni Wilson Lee Flores.
For this year, maganda raw ang relationship luck ng Year of the Horse.
“Pagdating sa love, maraming love for herself, so, mas matututunan na niya ‘yung sarili niya to have a self-care, self-love and how to give herself a time and effort to love herself.
“And relationship-wise naman, this year, mayroon din siyang chances of meeting new relationship,” aniya.
Sa nakikita raw niya for Kim, maganda ang recognition luck and fame ng aktres.
“Kaya mostly, ang relationship niya is magiging maganda with the bosses, ‘yung mga kung sino ang tumutulong sa kanya in her career,” she said.
Natanong nga rin si Jean kung ano ang nakikita niya sa romansang Kim at Paulo Avelino and she asked the press kung ano ang birthday ng aktor.
Ayon sa feng shui consultant, base sa birth year nito, Earth Dragon ang animal sign ni Paulo at hindi raw masyadong stable this year ang relationship luck ng aktor.
“So, might be naghahanap din siya ng the right person or naghahanap din siya ng right opportunity. Hindi rin siya ganu’n ka-priority into the relationship, so mostly, itong year, tine- take care niya ‘yung sarili niya kung ano ba ‘yung status niya sa career, ano'ng standing ng business or kung ano ‘yung mga investment na ipino-focus niya,” sey ni Jean.
When it comes to KimPau tandem on screen, hindi raw dapat bigyan ng pressure ang dalawa sa kanilang personal life. Magki-click daw ang love team sa trabaho pero maaaring iba pagdating sa personal life.
“Kung ii-include natin ang personal life nila, might be hindi sila magki-click,” sabi ni Jean.
Nabanggit din ng feng shui consultant na family friend nila si Kim and from time to time ay pumupunta raw ito sa kanya.
Samantala, ang nasabing forum ay co-sponsored ng Federation of Chinese Chambers of Commerce and Industry (FFCCCII).
Puwedeng kumonsulta kay Jean sa kanyang shop sa Chinatown, Ongpin at sa 2nd floor ng Vira Mall. Puwede rin siyang i-message sa kanyang social media accounts.
Humarap din sa naturang forum si Mr. Eduardo “Eddie” Cobankiat of FFCCCII.





Comments