Aktor, habang may kargang bata… DONNY AT BELLE, PINE-PRESSURE NA GUMAWA NA NG BABY
- BULGAR

- 19 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 26, 2026

Photo: IG _belle_mariano
Nakakaaliw ang comment sa Instagram post ni Donny Pangilinan na karga ang pamangkin (anak ng sister niyang si Ella) at may caption na: “Tito is homeee” habang nakatitig siya sa baby.
Paano ka naman hindi maaaliw sa mga comments na “Cute ng baby ni Belle” na ang tinutukoy ay ang ka-love team ni Donny na si Belle Mariano?
May comment pa na “Pauwi na si Mommy” na si Belle pa rin ang tinukoy.
“Okayy! After 2 years, feel ko magpapakasal na kayo ni @belle_mariano, tapos magka-baby na kayo. Yieee! Chaaar!”
May comment pa na “Daddy Donato NEXT!” na para bang pine-pressure si Donny na mag-asawa para magka-baby na.
May comment ding “Plot twist, kasama si Belinda sa bahay tapos siya kumuha ng pic.”
At ang mas nakakatawa pa ay “Anak natin ‘yan Donny, sana maamin mo na sa mundo. Huhuhu!”
‘Katuwaan lang naman ng mga fans nina Donny at Belle ang mga comments, hindi dahilan para magalit ang ibang fans sa fans na gusto nang magka-baby si Donny sa kanyang ka-love team.
Pero, tama ang nag-comment na paano raw ba magkaka-girlfriend si Donny at paano rin magkaka-boyfriend si Belle kung tutok sa kanila ang kanilang mga fans?
Paano raw kung ma-in love sa iba ang dalawa at hindi sa isa’t isa?
‘Yan ang aabangan nating lahat. But for now, hayaan muna nating i-enjoy ni Donny ang pagiging tito sa una niyang pamangkin.
Piktyur, kumalat…
BEA, LIPAT-BAHAY NA PARA MAKASAMA ANG MISTER NA SI VINCENT
BONGGA ang collaboration nina Anne Curtis at Bea Alonzo ng kani-kanyang ine-endorse na product.
Anne with her BLK endorsement of make-up line and Bea with her Bash Manila products.
Sa photos, makikitang nakalagay sa Bash pouch ang BLK make-up line. Kapag lumabas na sa market ang collab na ito, siguradong papatok.
Ang Bash Manila ay travel lifestyle essentials gaya ng luggages, bags, tote, packing cubes at ngayon, make-up pouch. Unexpected daw ang collab na ito at maganda kung sino ang nakaisip dahil mabilis tatanggapin sa market.
Speaking of Bea, mula nang ikasal kay Vincent Co, hindi pa uli sila nakitang magkasama in public. Nang manood sa PETA ang aktres, mga kaibigan ang kasama nito.
Nagtatanong ang mga fans kung kailan uli makikitang magkasama ang mag-asawa.
Samantala, may kumalat ding picture ni Bea na napapalibutan ng mga boxes at mukhang handang-handa na ito sa paglilipat-bahay.
Hindi naman kataka-taka kung magsasama na sila sa bahay ni Vincent dahil mag-asawa na nga sila.
INIHALINTULAD ni Director Roman Perez, Jr. kay Amanda Page si Alecca Adarna, ang bida sa pelikula niyang Todo Kayod2.
Amanda Page raw ang datingan ng VMX star, mula sa mukha, tindig at aura. Pareho rin daw maputi, makinis at inglesera ang dalawa at isa ito sa mga mapapansin ng mga fans at subscribers ng VMX kapag napanood ang dalaga sa movie.
Grateful si Alecca sa mga papuri ni Direk Roman at lalo raw siyang inspiradong magtrabaho kung ganitong malaki ang paniniwala sa kanya ng kanyang director.
Pinasalamatan din nito ang mga nagiging co-stars sa VMX movies na nagawa na niya, very welcoming at mabilis siyang tinanggap.
Kuwento ni Alecca, matagal na siyang ine-encourage ng mga kaibigan na pasukin ang showbiz at ang sabi pa ng mga friends niya, bagay siya sa VMX dahil nga maputi, makinis at sexy. Ginawa nga ito ng dalaga at heto siya ngayon, magsasabog ng kaseksihan sa VMX.
Nabanggit nito na gusto rin niyang makatawid sa mainstream at alam na tutulungan siya ng Viva na matupad ang pangarap niyang ito.
Sa ngayon, masaya siya sa mga ginagawa niya sa VMX and she’s willing to bare more.
Related kay Ellen Adarna si Alecca at taga-Cebu rin siya. Nakakatuwa na hindi niya ginagamit si Ellen para siya makilala at magkaroon ng more projects.
Magsisipag daw siya para mas gumaling pa at para mas mabigyan ng more sexy projects sa VMX and later on, sa Viva Films.

%20-%20VICE%2C%20BINUGAHAN%20NG%20TUBIG%20SA%20MUKHA%20ANG%20BABY%20DOLLS%20MEMBER%2C%20NA-BASH%2C%20T.jpg)



Comments