top of page

Aktor, gustung-gusto dahil sweet daw… ENCHONG, TYPE NA TYPE NAMAN ANG LONG HAIR NI ERICH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 10, 2020
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | September 10, 2020




Tinanggap nina Erich Gonzales at Enchong Dee ang 24-hour mag-jowa challenge na request ng kanilang 130K subscribers sa Enrich Originals YouTube channel.


Wala kaming nakitang ilangan sa dalawa kapag naglalambingan sila dahil siguro sa dalas nilang pagsasama kaya wala nang malisya para sa kanila. Pero siyempre, natatawa si Erich dahil sa tawag niyang ‘boyfriend’ kay Enchong at sabay hahagkan naman siya ng aktor.


Hindi mahirap mahalin ang aktres, ayon kay Enchong, dahil gustung-gusto niya ang fighting spirit nito, dahil kapag may prinsipyo siyang (ipinaglalaban), pinanghahawakan niya talaga ‘yun. Lagi ring ipinapaalala ni Erich kung paano alagaan ang kanilang mga sarili at gustung-gusto ng aktor ang magandang buhok ng dalaga.


At ang mga gusto naman ni Erich kay Enchong, “You’re sweet naman pala talaga. Lately ko lang napapansin nitong lagi tayong magkasama, super-maabilidad, very smart, wise na tao si boyfriend."


Salo naman ng aktor, “Hindi kita hahayaang maghihirap tayo sa future, I will work hard for us.”


At dahil napansin ng aktres na inaantok pa si Enchong dahil nagising nang maaga, sinasabihan niya na gumising na ito, sabay halik naman ng binata, "I’m sorry, baby."

Samantala, dinalhan ni Enchong ng gatang puso ng saging si Erich bilang ulam nila sa pananghalian at nagsaing na rin. Pero tinuturuan siya ng aktres dahil hindi marunong mangusina ang binata kahit may restaurant business pa.


Habang kumakain ay sinusubuan ng aktor ang aktres at talagang mega-alaga siya at siya na rin ang naghugas ng pinagkainan habang nakabantay naman ang dalaga dahil sabi nga ng binata, “metikulosa” ito.


Yes, masyadong OC (obsessive-compulsive) si Erich at makikita iyon sa bahay niya na sobrang linis at organisado, pati sa kulay ng mga gamit.


Anyway, pagkatapos nilang mananghalian ay nag-hot lemon tea sila with honey para maganda raw sa lalamunan, at pagkatapos ay sabay na silang pumunta sa kanilang shoot para sa kanilang YT channel.


Maraming nabitin sa jowa challenge pero nangako ang dalawa na ipapakita nila ang behind the scenes nila.


Hmmm, hindi kaya sa kalaunan, ang jowa challenge ay maging totohanan na? Bakit ba kasi hindi na lang sila?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page