Aktor, good kisser daw… JOSHUA, NABITIN SA HALIK NI IVANA
- BULGAR

- Apr 30
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | April 30, 2026

Photo: FB / Circulated
Tinilian at pinalakpakan ng audience ang kissing scene nina Ivana Alawi at Joshua Garcia sa premiere screening ng teleserye nilang Love Is Never Gone (LING).
May chemistry ang dalawang lead stars kung saan kinunan pa sa Morocco ang unang episode ng serye na unang mapapanood sa Prime Video sa May 8.
After ng press preview ay saka nagkaroon ng media launch. Of course, hindi nawalang itanong kay Ivana, who plays sa magkaibang katauhan sa LING, ang kissing scene nila ng aktor. Ano raw ba ang rating niya sa paghalik ni Joshua?
Hindi pa natatapos ang tanong ay mabilis na sumagot agad si Ivana ng “10.”
Ang mga ganoong sagot daw ay kadalasang playful at pang-entertainment lang, lalo na sa interviews o game segments. Ayon kay Ivana, good kisser daw si Joshua.
Nang sa aktor naman ibinaling ang tanong, “9” ang sagot nito. Si Ivana na ang nag-explain na hindi raw kasi nakabukas ang bibig niya sa kissing scene nila kaya “9” lang ang rating sa kanya ni Joshua.
Natural at walang hesitation ang sagot nila at may kilig factor sa mga nakapanood.
Ang LING ay perfect role para kina Ivana at Joshua. Katunayan, pinuri ng mga beteranong actors na sina Dina Bonnevie, Michael de Mesa at Ara Mina ang akting ni Ivana, at pati na si Joshua na talaga namang napakahusay.
Pinatunayan ng seksing aktres na kaya niyang makipagsabayan sa aktingan sa mga ito at hindi lang pawang pa-sexy at pagba-vlog ang kaya niyang gawin.
Kakaiba ang istorya ng LING na first time na ginawa sa local cinema – may action, drama, comedy, lahat ng putahe ay pinagsama-sama ng dalawang napakahuhusay na direktor na sina Emmanuel Palo at Jojo Saguin.
Komento nga ng mga press na nakapanood, sana raw ay ginawang movie ang serye nina Ivana Alawi at Joshua Garcia.
MAY tsikang ibabalik na umano ang programang Wowowin ni Willie Revillame sa free TV ngayong Mayo.
Ito ang inanunsiyo ni Kuya Wil na may bagong studio na raw ang programa.
Magtatapos na ang Wilyonaryo sa May 15 matapos ang tatlong buwan nitong pag-ere sa online platform.
Ang pagbabalik ng Wowowin ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, pero hindi pa nila ibinibigay ang mga kaukulang detalye tungkol sa game show.
Para sa mga avid viewers ni Kuya Wil, ito ay isang masayang balita na matagal nilang hinintay.
Ani Kuya Wil, “Hanggang sa May 15 na lang ang Wilyonaryo.”
Dagdag pa niya, mas makakabuti na ilipat ang programa sa TV kung saan mas malaya itong makakahanap ng audience at advertisers.
Sa kabila ng ilang beses na pagtigil at pagbabalik, nananatiling matibay ang suporta ng publiko kay Willie.
Ang kanyang programa ay hindi lamang nagbibigay ng aliw kundi nagsisilbi ring tulay para sa mga nangangailangan.
Komento ng mga netizens…
“Finally, babalik na ulit ang Wowowin! Miss na miss na namin si Kuya Wil.”
“Sayang ang Wilyonaryo, pero excited kami sa pagbabalik ng Wowowin.”
“Sana, mas marami pang matulungan si Willie sa pagbabalik ng show.”
“Wowowin is back! Panalo na naman ang mga manonood.”
Bukod sa pagbabalik ng Wowowin, patuloy pa ring gumagawa ng paraan si Kuya Wil para makatulong sa publiko.
Kamakailan, nagbigay siya ng libreng sakay para sa mga commuters sa gitna ng oil crisis.
Napagod daw talaga… DAWN, INAMIN KUNG BAKIT INIWAN ANG SHOWBIZ
IBINAHAGI ni Dawn Zulueta kung bakit siya nag-retire sa showbiz.
Sa isang panayam ay nilinaw niyang hindi pa siya nagreretiro, bagkus ay nag-aabang lang siya ng magandang proyekto. Kaya habang wala pang ginagawa, naka-focus muna siya sa kanyang pamilya.
Sa isang panayam sa PeopleAsia, ibinahagi niya na ang kanyang desisyon ay dulot ng pagod dahil sa mahigpit na oras ng trabaho sa industriya. Napagod siya sa mahaba at gabing pagtatrabaho, kaya nag-decide siyang huminto muna at magpahinga.
Bukod sa pagod, inilipat din niya ang kanyang prayoridad sa kanyang mga anak.
“Nandito pa rin sa Pilipinas ang anak ko, si Jacobo, naghahanda kami para sa kanya, sa kanyang senior year, pumipili ng kolehiyo na papasukan n’ya. Kaya gusto ko lang mag-focus sa anak ko at kay Ayisha na nasa middle school pa lang.
“At du’n ko napagdesisyunan na dapat na akong gumugol ng mas maraming oras hangga’t maaari kasama ang mga bata dahil napagtanto kong maliit lang ang panahon na mayroon ako sa kanilang buhay kung saan maaari talaga akong maging present para sa kanila,” paliwanag niya.
Bukod dito, nagbigay din si Dawn Zulueta ng payo para sa bagong henerasyon ng mga artista. Binigyang-diin niya ang hirap ng industriya ng showbiz, lalo na para sa mga batang aktor na sabik sumubok ng maraming oportunidad.





Comments