Aktor, ‘di pa raw nanliligaw… JAKE AT RABIYA, TODO-LANDIAN LANG
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 31, 2026

Photo: Rabiya at Jake Cuenca - Instagram
Comment ng mga netizens, nasa ‘landian’ stage pa lang sina Rabiya Mateo at Jake Cuenca. Parang hindi pa raw totally nanliligaw ang aktor, nagpi-flirt pa lang daw ito sa beauty queen-actress and vice-versa.
Sa post kasi ni Rabiya na may katabi siyang elephant nang um-attend ng wedding sa
Thailand at may caption na: “Wedding szn (season). Honored to witness a forever kind of love,” naunang nag-comment si Jake at sabi, “Breathtaking. Definitely not looking at the elephant.”
Sagot ni Rabiya na may flirty message rin daw ay “Keep looking.”
‘Yun na, marami ang kinilig at may mga nanukso kay Jake na ‘alagang Jake’ raw si Rabiya kaya mas blooming ngayon.
May mga nag-comment pa na nanliligaw na nga si Jake kay Rabiya at isang paraan niya ang mag-comment sa post ng dalaga.
Pinansin din na masipag mag-like si Jake sa post ni Rabiya, pati old posts nito ay ini-like rin niya.
Kaya lang, ginawa na rin daw ito ni Jake nang ligawan si Chie Filomeno, laging nauunang mag-like at mag-comment sa posts hanggang sa maging sila. Pati sa ibang girls na natitipuhan ng aktor, ganito ang style niya at ginagawa niya ngayon kay Rabiya.
Kung may hindi sold sa panliligaw ni Jake kay Rabiya, marami rin ang pabor. Bagay daw ang dalawa. Open si Jake kapag may natipuhang babae. Upgrade nga raw si Rabiya sa past relationship niya, na parang unfair naman kay Chie.
Ang payo ng mga pabor, sakaling mauwi sa relasyon ang paglalandian nina Jake Cuenca at Rabiya Mateo, dedmahin nila ang mga bashers.
“Enjoy while you are still young,” payo sa dalawa na ginagawa nga nila.
EXCITED ang young actress na si Gillian Vicencio nang makabisita sa showroom ng Maddox Jewelry, meeting its president and founder Charo Cordial in person.
Isa pa sa mga naka-excite kay Gillian ay ang makita ang naggagandahang jewelry na for sure ay pinangarap niyang suotin at mukhang mangyayari naman.
Naikuwento ni Gillian na ang mom niya ang real fan ni Ms. Charo at regular viewer ng vlogs ng Maddox Jewelry. Ang mom din niya ang kumumbinse sa kanya na bumisita sa jewelry shop.
“Naku, ang mommy ko po ang talagang adik na adik. Nag-scroll po s’ya online. Niyaya n’ya po akong pumunta rito,” tsika ni Gillian.
Nauna nga lang nakabisita si Gillian sa Maddox Jewelry. Ang pangako nito, sa susunod na pagbisita niya, isasama na niya ang mom niya.
Siguradong matutuwa ang mom niya dahil fan nga ito ni Ms. Charo.
“I feel like I’m in a toy store!” reaksiyon ni Gillian nang makita ang jewelry pieces sa shop.
Sa pag-uusap nina Gillian at Ms. Charo, napag-usapan ang personal preferences at experiences niya — ang mag-invest sa jewelry. Kabaligtaran ito sa mga kaedad niya na nag-i-invest sa luxury bags.
Samantala, napag-usapan din ang dinanas ni Gillian na body shaming at bashing sa pagkaka-link niya sa isang sikat na aktor.
Mapapanood ang full conversation nina Gillian at Ms. Charo sa official social media platforms ng Maddox sa YouTube (YT), Facebook at TikTok.
GF, ‘wag daw gagalitin, baka masampulan siya…
RURU, PROUD NA PROUD SA GALING MAG-BALISONG NI BIANCA
NAPA-COMMENT si Ruru Madrid ng “Grabe, nakaka-proud ka, mahal!” sa husay na ipinakita ng GF niyang si Bianca Umali nang mag-exhibit ng tamang paggamit at paghawak ng balisong.
Sa harap ng mga members ng Katipunan ng Mga Bagani, nag-perform si Bianca at sa husay ng performance nito, pati si Dingdong Dantes ay napa-comment ng clapping emojis.
Nakakaaliw lang ang mga comments para kay Ruru na huwag niyang gagalitin si Bianca, mahirap nang masampulan siya ng balisong.
Sabi ng isa, dapat maging good boy lagi si Ruru lalo na at nakita niya kung ano ang kayang gawin ni Bianca.
Hirit pa ng isa, huwag siyang magloloko dahil makakatikim siya, at ipinaalala sa kanya na masuwerte siya sa aktres.
Makikita ang husay ni Bianca Umali sa paghawak ng balisong sa Sang’gre, at mahusay din siya sa action at paghawak ng ibang gamit sa pakikipaglaban sa kaaway.




Comments