Aktor, 'di agad tanggap ng pamilya ng GF… IAN, TULAY NI DOMINIC KAY BEA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 15, 2022

Sa Valentine's Day vlog ni Bea Alonzo kasama ang BF niyang si Dominic Roque, nabanggit nila na si Ian Veneracion ang susi kaya nagkaroon sila ng relasyon.
Kay Ian daw unang nagtapat si Dominic na crush niya si Bea. Pero, 'yun nga, medyo na-intimidate ang aktor dahil sikat na sikat na si Bea.
Si Ian ang nag-udyok kay Dom na ituloy ang panliligaw kay Bea Alonzo. Hindi alam ni Dominic na si Ian din ang tinatanong ni Bea kung si Dom na ba ang right guy para sa kanya at approved ba kay Ian si Dominic.
Puro good words naman ang narinig ni Bea kay Ian patungkol kay Dominic Roque.
Naikuwento rin ni Bea na noong unang na-meet ni Dominic ang kanyang pamilya, hindi agad pumasa ang aktor. Pero ipinakita naman ni Dom na seryoso siya sa kanyang intensiyon kay Bea.
At dahil matiyaga, kalaunan ay pumasa rin si Dominic sa partidos ni Bea.
Ngayon ay inaabangan na ng lahat ang kanilang pagpapakasal. For sure, may special role na gagampanan si Ian Veneracion sa kasal nina Bea at Dominic kung saka-sakali dahil siya ang nagsilbing kupido sa dalawa.





Comments