Aktor, dedma lang… FIL-FRENCH GF NI JOSHUA, TODO-POST NG PICTURES NILA
- BULGAR
- Sep 6, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 6, 2023

Ang sipag talagang mag-post ng picture nila ni Joshua Garcia ang rumored girlfriend ng actor ngayon na si Emilienne Vigier na isang Filipino-French athlete.
Ipinost nga ni Emilienne ang latest picture nila ni Joshua at ang inilagay niyang caption dito ay: “Jtmmmm”.
Feeling tuloy ng mga netizens na nakakita sa naturang post na ang gusto talagang sabihin ng rumored GF ng actor ay “Je t’aime” na isang French term na kapag isinalin sa wikang Ingles ay nangangahulugang “I love you”.
Siyempre, mabilis naman itong umani ng samu’t saring komento at reaksiyon.
“May pa-I love you si accla, hahaha! Jtm, Je t’aime.”
“Like ko ‘yung beauty ni girl. Gusto ko ‘yung ganyang light makeup.”
“Usually, French girls wear minimal makeup, like ko rin ‘yung ganyan. French, Korean and Japanese style of makeup which is natural looking.”
Ang ilan ay pinuna ang tila paiba-ibang hitsura ng bagong rumored GF ni Joshua.
“Iba-iba ‘yung mukha niya every post. Minsan, kamukha niya si Solenn (Heussaff) just like in this pic.”
“Totoo. Minsan naman, chubby face siya, minsan din, mukhang tita.”
Habang ang isa naman ay binalingan ang look ng actor, “Mukha pa rin siyang totoy.”
Pero iba naman ang napansin ng isang commenter, “Bakit parang suki ng kuliti si Joshua?”
“Naku, si ate girl, post nang post. Mukhang in love na in love. Sana lang, magseryoso na si Joshua ngayon.”
“Bakit si girl lang ang nagpo-post? Tapos, parang dedma lang si Joshua? Lol!”




Comments