Aktor, babalik na, ayaw makasama... CARLA, BABU SA GMA-7 DAHIL KAY TOM
- BULGAR
- Aug 28, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 28, 2023

Nagpalit na ng manager si Carla Abellana kasabay ang desisyon na magpaalam na rin sa GMA Network. Pareho sila ng manager ng kanyang ex-husband na si Tom Rodriguez. At nalaman ni Carla na magbabalik na sa ‘Pinas si Tom at gagawa ng mga projects sa GMA-7. Marahil, ito ang dahilan kaya minabuti ni Carla na iwanan na ang Kapuso Network kapag natapos na niya ang kanyang kontrata. Pero bahagi pa rin ng kanyang kontrata ang seryeng Stolen Life na obligado niyang gawin at tapusin.
Ayaw na ni Carla na magkrus pa ang landas nila ni Tom.
Anyway, marami ang labis na nanghihinayang sa pag-alis ni Carla sa GMA Network. Isa pa naman siya sa mga pambatong dramatic actresses ng GMA-7 kaliga nina Marian Rivera, Jennylyn Mercado, Andrea Torres, Max Collins, Yasmien Kurdi at iba pa.
Ibang-iba ang level ni Carla bilang isang dramatic actress at malaking kawalan siya sa GMA Network. Pero, naiintindihan ng kanyang mga fans na hindi pa siya ganap na nakaka-move on sa paghihiwalay nila ni Tom. Masyadong malalim ang sugat na iniwan nito sa kanyang puso.





Comments