top of page

Aktor at misis na si Marian, dedma lang… LINDSAY, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA NABUNTIS NI DINGDONG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 30, 2021
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 30, 2021




Nagsalita na ang Kapuso star na sinasabing buntis umano at ang ama ay si Dingdong Dantes.


Sa The Bash online show ni Jobert Sucaldito ay nainterbyu niya ang Kapuso star na si Lindsay de Vera thru phone patch.


Tanong ni 'Nay Jobert, “Ano ba ang katotohanan dito, anak Lindsay.”


Sagot ng dalaga, “Yeah, Nanay Jobert… uhmm… I want to clarify my name as well as Kuya Dingdong’s name.


“We don’t have any sort of that kind of relationship. Wala po kaming ganu'ng relasyon.


“Never po akong naging girlfriend or anything ni Kuya Dong and I respect Kuya Dong as a person and as an actor and as a husband and siyempre, I also respect 'yung wife… hindi po totoo 'yung… uhmm.. 'yung fake news.”


May mga netizens na hindi kumbinsido sa sagot ng Kapuso star. Panay naman ang tanggol ng mga fans ng Kapuso actor.


“Obvious naman na gustong sirain ang mag-asawa… knowing how Dong adores and loves his family, 'di niya talaga gagawin 'yun.”


“Sino ba maniniwala sa fake news na 'to??!”


Kaya lang, may pasubali siya na, “Sana, hindi applicable kay DD 'yung saying na once a cheater, always a cheater.”


May nagkomento namang ‘buntis’ daw uli si Marian Rivera, ang misis ni Dingdong.


“Ang chika sa mga parlor, preggy na ulit si misis. Kaya leave them alone.”


Hinamon naman si Lindsay ng isang netizen na magpakita raw ng tiyan tulad ni Mocha Uson.


“Eh, di magpakita rin siya ng flat na tiyan niya tulad ni Mocha.”


Samantala, kung si Lindsay ay nagsalita na sa issue, nananatili namang tahimik at dedma lang sina Dingdong at Marian.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page