Aktor, ang dali raw magalit… KIT, GUSTONG MAKIPAG-SEX, TINULUGAN, ANA SINAMPAL

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 5, 2022

Sa interbyu ng King of Talk na si Boy Abunda ay pinangalanan na ni Ana Jalandoni ang kanyang ex-husband.
Ang tinutukoy pala niyang ex-hubby ay ang taga-Nueva Ecija na si Renan Morales, anak ng naging producer noon ni Kris Aquino sa kanyang GMA-7 TV Special titled Trip ni Kris na si Mrs. Rhodora Morales.
Isa ring pulitiko at businessman itong si Renan Morales.
Kuwento ni Ana, mabilis lang daw ang naging pagsasama nila ng ex-husband kung saan ikinasal sila sa Amerika noong October, 2017 at January, 2018 ay hiwalay na sila.
Pahapyaw na kuwento ni Ana, hindi ang ex-hubby ang naging dahilan ng pananakit sa kanya ng ex-boyfriend (ex na nga kaya?) na si Kit Thompson, pero totoong nagselos daw ang aktor.
Kuwento ni Ana, nagbibiruan sila ni Kit nang bigla na lang siyang tutukan ng kutsilyo sa leeg ng BF.
Aniya, “Nagbibiruan kami na, ‘Ikaw, sino ang type mo sa mga kaibigan ko?’ tinanong niya 'ko. Sabi ko, ‘Wala, siyempre, ikaw lang.’ Ewan ko, suddenly, sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, ‘yung kaibigan mong ‘yun, ‘yung may gusto sa ‘kin, kung ‘di lang kita boyfriend, ide-date ko ‘yun.'
"It’s a joke. For me, it’s a joke, kasi nagdyo-joke nga kaming dalawa, eh,” bahagi ng kuwento ni Ana.
“Nagulat talaga ako, sabi ko, ‘Ibaba mo ‘yan. Kit, joke lang ‘yun, ibaba mo ‘yan.’ Tapos, binitawan niya. Siyempre, natakot ako, sobrang natakot ako,” pag-alala ni Ana.
“Pinagpawisan na ako, tapos pinipigilan ko ‘yung iyak ko kasi baka mag-freak out siya, kasi mainitin nga ‘yung ulo niya.”
Naalala rin ni Ana nang sampalin siya ni Kit nang mag-celebrate ang aktor ng birthday sa Palawan.
Nagalit daw si Kit dahil gusto raw nitong makipag-sex sa kanya, pero 'di siya pumayag dahil pagod nga raw sila.
Aniya, “Nagagalit na siya. Sabi niya, 'Birthday ko, tutulugan mo lang ako.’ Gusto lang niyang makipag-sex that night.
“Sabi niya, ‘Ah, ayaw mo.' 'Hindi sa ayaw ko, pagod lang ako. Ang dami nating ginawa sa beach,'" rebelasyon pa ni Ana.
Samantala, nananatili namang tahimik ang aktor sa mga naging pahayag ni Ana sa YouTube channel ni Kuya Boy.





Comments