Ako pa rin ang hepe ng LTO – Lacanilao

by BRT @News | November 24, 2026

Photo: LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao - File LTO
Kinumpirma mismo ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao na wala pa siyang natatanggap na abiso hinggil sa impormasyong aalisin siya sa puwesto.
Ayon kay Lacanilao, nakaabang lamang siya sa kautusan ng Malacañang at ayaw niya itong pangunahan.
Iginiit naman niyang hangga’t walang pormal na abiso, siya pa rin ang LTO chief.
Nag-ugat umano ang balita ukol sa kanyang pag-alis sa LTO dahil sa mga natanggap na tawag ng ilang transport group mula sa mga dating opisyal ng ahensya.





Comments