Akala raw 'the one' na, nag-break pa… KYLIE, 'DI NANGHIHINAYANG KAY JAKE
ni Nitz Miralles - @Bida | June 1, 2022

Nami-miss pa rin ni Kylie Verzosa ang ex-boyfriend na si Jake Cuenca at inamin niya ito sa kuwentuhan nila ni Vice Ganda sa YouTube channel ng huli. Naluha pa nga si Kylie sa tanong ni Vice kung gaano niya nami-miss si Jake.
Sabi pa ni Kylie, “Breakup siya na akala ko, hindi ko na mararamdaman ever. Akala ko, siya na. Akala ko, hindi na 'ko magkakaroon ng heartbreak.
“Narinig ko sa ibang tao na parang sayang, pero para sa akin, hindi siya sayang. Natulungan namin ‘yung isa’t isa, nagmahalan kami and nag-grow kami together as individuals, so bakit siya sayang?”
Sa mga Instagram posts ni Kylie, madalas siyang nakangiti, ‘yun pala, may nararamdaman pa ring sakit sa paghihiwalay nila ni Jake.
Sa nabanggit nitong akala niya, si Jake na ang kanyang “the one,” ibig bang sabihin nito, TOTGA na rin para sa kanya si Jake?
Ang hindi pa nababanggit at hindi pa naitatanong ay kung bakit nag-break sina Kylie at Jake? Lahat tayo, nakiki-Marites na kung ano ang nangyari sa love story ng two beautiful people.





Comments