AJ, TODO-DENY NA BUNTIS, HINAMONG IPAKITA SA LIVE VIDEO ANG TIYAN
ni Janiz Navida - @Showbiz Special | July 5, 2022

Ayaw tigilan ng mga Marites ang Viva sexy star at anak ng action star na si Jeric Raval na si AJ Raval sa kumakalat ngayong isyung buntis diumano ito courtesy ng aktor na si Aljur Abrenica na estranged husband naman ni Kylie Padilla.
Kahit pa nag-post na si AJ ng picture niya sa kanyang Instagram account kung saan makikitang flat na flat naman ang kanyang tummy, hindi pa rin kumbinsido ang ilang netizens.
May mga nagsasabing edited ang naturang picture ni AJ. Meron din namang nagko-comment na lumang picture ito ng sexy star.
Kaya ang hamon nila sa rumored GF ni Aljur Abrenica, mag-FB o IG Live ito at tuwirang ipakita ang kanyang tiyan para sure raw na walang daya.
Oh, ha?! Grabe sa pagka-demanding ang mga netizens na 'to, ha? Feeling yata nila ay binubudol lang sila ni AJ Raval.

Bigla tuloy naming naalala si Mocha Uson nu'ng matsismis ding buntis kay Sen. Robin Padilla. Para patunayang hindi pa siya isang ina, eh, idinispley din ang kanyang flat tummy sa madlang pipol.
Well, abangan na lang natin kung kakagatin ni AJ Raval ang hamon na 'yan sa kanya ng mga Marites.





Comments