AJ, NAGPATANGGAL NG PEKENG BOOBS DAHIL DAW KAY ALJUR
- BULGAR
- Apr 3, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | April 3, 2023

Hindi updated ang isang netizen sa blind item tungkol sa isang aktres na pumutok daw ang breast implant. Inakala agad ng netizen na si AJ Raval ang nasa blind item at nag-comment sa post ng aktres sa Facebook.
Hindi naman napikon si AJ, pero kinorek niya ang netizen at sinabing, "Hoy! Hindi ako 'yan!!
Hahahaha!"
Paano nga namang magiging si AJ ang nasa blind item, eh, kamakailan lang, ipinatanggal na nito ang kanyang breast implants?
Ipinost pa nga nito sa Instagram ang inalis na breast implants sa kanya at agad naman itong pinagkatuwaan ng mga netizens dahil mukha raw doughnut.
Tanong lang ng mga netizens, si Aljur Abrenica raw ba ang may gusto at nag-request kay AJ na ipaalis ang kanyang breast implants o sarili niyang desisyon ito?





Comments