AJ, 'di raw maamin at mailantad na GF… SIGAW NG NETIZENS: ALJUR, WALANG 'BALLS'!
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | September 5, 2022

Naba-bash na naman ngayon ang hunk actor na si Aljur Abrenica dahil sa kanyang latest Instagram post kasabay ng kaarawan ng kanyang rumored girlfriend na si AJ Raval.
Nag-post kasi si Aljur ng short video clip niya sa kanyang IG na ang caption ay: "I risk a lot of shots in life and you are my greatest catch."
Bagama't walang tinukoy si Aljur na pinatutungkulan niya ng kanyang post, naniniwala ang mga netizens na para ito sa nababalitang karelasyon niya ngayon na si AJ na nagdiwang nga ng kanyang birthday nu'ng September 3.
Dahil sa post na ito ni Aljur, may tumawag na naman sa kanyang "laos" at may nagsabi pang "Greatest catch, ni-risk 'yung dating family?"
May isa namang nag-comment ng "Ang hirap ng patagong relasyon, hindi mo maipagsigawan kaya nagpaparinig na lang sa post."
Hamon naman ng isa pang netizen, "Magpakatotoo na kayo, huwag n'yo itago sa dilim."
May mga nagsasabi ring napakababaero ni Aljur pero wala naman daw 'balls.' Kawawa naman daw si AJ dahil hindi siya mapanindigan at mailantad na GF ng nakahiwalay na mister ni Kylie Padilla dahil hindi pa rin annulled ang kasal ng dalawa.
Well, kung si Ruru Madrid ay umamin na sa relasyon nila ni Bianca Umali sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga, kailan naman kaya aamin sina Aljur at AJ?





Comments