AI raw, walang video… PIKTYUR NA MAGKASAMA SINA KATHRYN AT MARK, PANG-ASAR LANG DAW SA B-DAY NI DANIEL
- BULGAR

- Apr 28
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | April 27, 2026

Photo: IG @bernardokathstyles & FB Daniel Padilla (Fan Account)
Pinagpipiyestahan na naman ang bagong labas na picture ni Kathryn Bernardo kasama ang rumored boyfriend niya na si Lucena Mayor Mark Alcala sa social media.
Kuha raw ang litrato nina Kathryn at Mark sa isang thrift and flea market sa San Juan City last Sunday.
Since it’s a public place, asahan na marami ang kukuha ng picture at video na magkasama sila. ‘Yun nga lang, walang lumabas na video kaya ang ibang mga netizens ay nagdududa if true ang romansang Kathryn at Mark.
Komento ng mga nakakita:
“‘Di masyadong kamukha ni Kath, dapat ay inayos n’yo mabuti. Dapat kamukhang-kamukha ni Kath.”
“Naku po, AI (artificial intelligence) ‘yan. ‘Yan din ang suot ni Alden du’n sa post ni Jayson Star. ‘Di ako naniniwala sa mga AI hangga’t ‘di nagsasalita si Kathryn.”
“‘Di naman nagsusuot si Mark Alcala ng loose na damit. Maniwala na ako ‘pag nagsalita si Kath.”
May mga kuda kasi na kaya may mga ganyang tsika kay Kathryn na may boyfriend na siya ay pang-asar lang sa ex-boyfriend niya na si Daniel Padilla.
Duda pa ng mga netizens, sadyang itinaon ang paglabas ng panibagong picture ni Kathryn with Mark sa socmed (social media) sa kaarawan ni Daniel.
Anyway, granted na true talaga na sina Kathryn at Mark ang nasa picture, ang mga bashers, ‘di pa rin mapakali sa pagbatikos.
Sey ng mga bashers…
“‘Di na ata nagtatrabaho si Mayor, ah.”
“Laglag ang career mo r’yan.”
On the other hand, may naha-happy for Kathryn sa tsika na boyfriend niya si Mark.
Sey ng mga fans…
“I’m finally happy for you, Kath.”
“She’s glowing.”
“Stay in love, KathMark.”
“Wow! They look so good together.”
‘Yun na!
Gagawa na raw ng Baby No. 2... ANGELICA AT GREG, NAGLANDIAN SA ILOCOS, ‘DI ISINAMA ANG ANAK
NAG-QUICKIE, este quick getaway, si Angelica Panganiban at ang mister niyang si Gregg Homan sa Ilocos Norte. Hindi nila kasama ang kanilang unica hija na si Amila.
Kaya nag-isip agad ang mga netizens na magkakaroon na ng kapatid si Amila.
Ibinulgar kasi ni Angelica sa Instagram (IG) ang ‘landian’ nila ni Gregg sa kanilang recent trip.
Pinasyalan ng celebrity couple ang Bangui Windmills at Pagudpud sa Ilocos Norte.
Caption ni Angelica, “May naitatago pa palang kalandian within us. Quick getaway, just the two of us.”
Inayudahan naman ng mga kaibigan nina Angelica at Gregg ang landian nila sa kanilang quick getaway sa Norte, gayundin ang followers ni Angelica sa IG.
“GANYAN TAPOS TULOY LANDIAN SA BALER (wave emoji),” sabi ni Glaiza de Castro.
Hirit naman ni Direk Andoy Ranay, “Priority ang landian dapat!”
“You both deserve it. Nakakaaliw humagikhik si Greg sa mga kakikayan ng wifey n’ya. Hahahahaha!”
“After the success of The Silent Noise, deserve na deserve niyong mag-asawa ang getaway na kayong 2 lang, but we miss Amila (heart emojis).”
May nag-reply sa comment-post ni Direk Andoy sa landian ng mag-asawang kaibigan niya.
“Direk @andoy1973 baka maging ate na si Bean.”
“Naiwan si Binnie Marie. Sana masundan na rin (praying emoji).”
“Wow! Sana Baby Amila 2 na Miss Angge.”





Comments