AI AI, PROUD NA NAGPA-SELFIE KAY SANDRO MARCOS, NAKA-PEACE SIGN PA
- BULGAR
- Jul 25, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 25, 2023

Speaking of Ai Ai delas Alas, 'kaaliw ang mga pictures na ipinost niya sa kanyang Instagram during the GMA Gala Night.
Kahit sa US na naka-based si Ai Ai, hindi pa rin niya hinayaan na ma-miss ang glamorosong pa-event ng GMA-7 at bumalik siya ng ‘Pinas kahit ilang araw lang.
Kasama ni Ai Ai sa mga pictures na ipinost niya ang kanyang “kambal” na si Marian Rivera, sina Dingdong Dantes, Alden Richards, plus ang iba pang Kapuso artists and executives.
Makikita sa picture na ngiting-ngiti si Ai Ai with matching peace sign habang nasa tabi naman niya ang Presidential Son na si Sandro Marcos na nakangiti at naka-side look sa kanya.
Caption ni Ai Ai: “First time I did experience this glamorous night and a happy one too.”
May nagtanong na netizen kay Ai Ai kung sino ang mga ka-table niya that night.
Reply ng Comedy Queen, “Si kambal (Marian), si kumpadre Dingdong, ibang bosses ng GMA.
Dapat, sina Dennis Trillo and Jennylyn [Mercado], parang ‘di ko sila nakita na umupo. Baka umalis agad or nalipat.”
Wonder who ang ineskortan or “ka-date” ni Presidential Son Sandro sa event ng GMA-7.
Although, duda namin, sila ni Alexa Miro ang magka-date that night.
Sa State of the Nation Address ni President Bongbong Marcos ay pinagkumpulan ng mga TV reporters ang Presidential Son.
Kung ang ibang netizens, na-focus ang atensiyon sa suot na mga Filipiniana gowns ng mga politicians at celebrities, iba naman ang napansin ng isang netizen.
Say nito, “Sandro, ipapa-hunting ko kay John Wick ang barbero mo. Haha!”
‘Yun na!




Comments