AI AI, NAGKA-MYOKYMIA DAHIL SA STRESS, 'DI MAKABALIK NG 'PINAS
- BULGAR
- Jul 10, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 10, 2023

Inamin ni Ai Ai delas Alas na nagkasakit siya kaya hindi na niya kinakaya ang pagpapabalik-balik ng US at Pilipinas.
Kaya, nag-beg-off na raw siya na umuwi para sa mediacon and promo ng pelikula niyang Litrato under 3:16 Media Entertainment and directed by Louie Ignacio.
Kamakailan nga ay dumalo si Ai Ai sa mediacon ng Litrato sa pamamagitan lamang ng Zoom at humingi naman siya ng paumanhin.
“Pasensiya na. Alam n'yo naman ang nangyari sa akin. Hindi na ako nakauwi dahil hindi na kaya ng katawan ko ang sobrang pabalik-balik,” sabi ni Ai Ai.
“At saka kasi, ang nangyari, nag-beg-off din ako kasi medyo nagkasakit na ako nang kaunti sa sobrang stress,” pag-amin niya.
“Nagkaano ako kaya medyo ipinapahinga ko rin ang katawan ko. Kasi parang medyo nabugbog na ako sa jetlag at saka sa biyahe. Kasi ‘yung last biyahe ko, medyo hindi masyadong maganda ang nangyari. Bale parang 30 hours akong nagbibiyahe,” aniya.
She also revealed na mayroon daw siyang myokymia.
“Meron kasi akong myokymia, ‘yung mata ko ba, nagtu-twitch. Tapos, dati, ‘yung mata ko lang, ngayon, kasama na ‘yung lips. So, ‘yung left (eye), tapos, sa stress and sa puyat siguro, sa jetlag na sobra-sobra, pati ‘yung right (eye) ko, naaapektuhan siya. So, pinapagaling ko muna siya, pero okay naman na ngayon,” pahayag ni Ai Ai.
Puwede naman din daw siyang mag-promote ng kanyang movie na showing na sa July 26 kahit nasa Amerika siya.
Ginagampanan ni Ai Ai sa pelikula ang papel ng isang lola na may Alzheimer’s disease at aniya, talagang ipinagdasal daw niya kay Lord na magampanan niya nang maayos ang kanyang role dahil hindi pa naman siya talaga matanda sa totoong buhay.
“Ipinagdasal ko talaga ‘yun na, ‘Lord, tulungan mo ako na magawa kong mukha akong lola.
And aside from that, siyempre sa tulong ni direk, siyempre, makikita naman niya ‘yung kung tama ba or okay ba or kung hindi tama ang acting ko,” aniya.
Nakatulong din daw sa kanya ang work niya bilang activity facility director ng isang rehabilitation center sa Amerika dahil may mga nakikita raw siyang matatanda roon na siyang kinopyahan niya ng kanyang karakter.





Comments