top of page
Search
BULGAR

Agri-smuggler at traders strike again, kalusin na ang mga ‘yan!

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | April 26, 2024



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Bagsak-presyo na naman ang bentahan ng ilang gulay sa Benguet at Baguio City. 

Ayon nga sa ating kababayan doon, naglalaro lamang sa P2 hanggang P3 kada kilo ang bentahan repolyo… gayong namuhunan ang magsasaka ng P15 hanggang P17 kada kilo, aguy!


Kaya naman ang ating mga farmers eh, talaga namang super lugi. Santisima! Kawawa na naman nito ang ating mga farmers dahil luging-lugi talaga sila.


Sinabi ng ating mga farmers doon na matapos ang tagtuyot, heto nga at umuulan-ulan kasi sa kanilang mga lugar, kaya naman ‘yung mga repolyo roon naging sanhi ng mabilis na pag-mature ng mga pananim.


Kaya hayun, sobra-sobra ang supply ng repolyo. Hindi na mabenta kahit sobrang baba na n’yan ha! ‘Yung iba nga raw eh, nabubulok kaya bago pa ito mangyari, ipinamimigay din nila! Que horror!


Awang-awa ako mga friendship sa ating farmers, noong Pebrero, ganito ang sitwasyon ng mga carrots hindi na mabenta kaya ipinamigay na lang. Kasi naman bumaha rin ng mas murang carrots na smuggled. Grabe!


Kaya bagsak na naman ang kabuhayan ng ating farmers doon.


Sa ganang akin, lalo na’t focus ko ngayon eh, puro pagkain, IMEEsolusyon na umayuda na ang ating Department of Agriculture. Tulungan na silang magbenta ito.

IMEEsolusyon na direkta ang DA sa farmers para unahan na nila ang mga traders! Saka kalusin ang mga ‘yan. Nagrereklamo ang mga negosyante natin dito sa Maynila na mura nga sa Benguet at Baguio, pero sobrang mahal ang pagkakabenta sa kanila ng traders.

IMEEsolusyon din na ‘yung ating LGU, tulungan na silang mailako sa Maynila sa siguradong mga matitinong buyers at may konsiderasyon ang mga gulay.


Kailangan natin ngayon ang bayanihan! Saka inaasahan nga natin na maisasabatas at lagda na lang ang kulang ng aking Ading sa Anti-Agri Smuggling Act, na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga kawatan o smuggler ng mga produktong pang-agrikultura! Agree?!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page