Agree ka d'yan, Jessy? LUIS, KUMANTA SA AYAW MAMANA SA KANYA NG ANAK
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 6, 2023

Kita ang saya ni Luis Manzano sa kanyang pagiging first-time daddy. Two months pa lang ang anak nila ni Jessy Mendiola na si Isabella Rose, pero ayon sa TV host ay nararamdaman na rin niya ngayon ang feeling na halos ayaw na niyang umalis ng bahay.
“Eto, totoo ‘to, ha? Napi-feel ko na ‘to,” sey ni Luis nang makapanayam sa star-studded first anniversary celebration ng Bingo Plus, “'yung sinasabi ng ibang mga magulang na uwing-uwi na sila, tapos ang ginagawa ni Jessy, nagpapadala ng mga videos ni Peanut. It’s so hard to leave the house.”
Natanong nga rin ang TV host kung ano ang gusto at ayaw niyang mamana sa kanya ng anak.
“Yung gusto, I think, that’s for other people to answer. Ayoko namang sabihin ‘yung magagandang katangian ko,” aniya.
Pero ‘yung kakulitan daw niya siguro ang parang ayaw niyang gayahin ng anak niya.
Isa si Luis sa pinakaunang endorser ng Bingo Plus, ang first live streaming bingo in the Philippines.
Ini-launch ang nasabing brand noong January, 2022, kaya one year na rin siyang parte ng lumalaking pamilya ng Bingo Plus.
“It’s nice when you have something like this and you grow together. That’s the best part,” he said.
Ginanap sa Grand Hyatt Hotel Manila ang first anniversary ng Bingo Plus last Saturday at dinaluhan ito ng mga naglalakihang personalidad at celebrities.
Bukod sa ambassador na si Luis, naroroon din sina Regine Velasquez, Vice Ganda, SB19, Billy Crawford and Coleen Garcia, Bela Padilla, Sam Concepcion, Bea Binene, Alamat, Nikko Natividad, Wilbert Ross, McCoy De Leon, Daryll Ong, Lea Jane, Bianca Santos, Carlyn Ocampo, This Band, Kim Molina, Katrina Velarde at marami pang iba.
Sa nasabing event ay namigay ng 50 million ang Bingo Plus sa Mega Jackpot at 1 million pesos worth of raffle giveaways to all its supporters.
Nag-donate rin ang Bingo Plus ng more than 10 million pesos to a charity as a sign of giving back and gratitude to all its loyal supporters since its launch.





Comments