Agree, Enrique? LIZA, NAGING MUKHANG MARUMI NANG MAPUNTA KAY JAMES
ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 24, 2023

Viral ang TikTok video ni Liza Soberano kung saan makikitang inirarampa niya ang kanyang OOTD na Fendi (Italian luxury brand). Ang caption na inilagay ng aktres sa naturang post: “Feelin’ 11 out of 10 in Fendi.”
Napaka-stunning ng beauty ng aktres habang ginagawa ang trending na Killing Me Softly Challenge kung saan kailangan niyang irampa ang kanyang outfit. Umani agad ng 8.4 million views ang nasabing video clip.
Hindi na rin naman nakapagtataka kung bakit mabilis na nakakuha ng million views ang TikTok video ni Liza dahil puring-puri ng mga netizens ang effortless beauty niya.
“Ay, wala na, finished na, diyosa na ‘yung gumawa. Tapos na ang laban.”
“Ang hirap naman sundan ng mga steps. Kailangan, maganda ka.”
“Grabe naman, effortless. Napakaganda.”
“Ang gorgeous naman this girl.”
Samantala, kamakailan nga ay nagkaroon siya ng isang stunning photo shoot kasama ang celebrity photographer na si BJ Pascual. Ibinahagi ni Liza ang ilan sa mga kuha niyang larawan sa kanyang Instagram account.
As usual, gandang-ganda na naman ang mga followers ni Liza sa kanya, pati ang mga kapwa celebrities na sina Issa Pressman, Maureen Wroblewitz, and Liz Uy ay nag-react din sa mga ipinost niyang pictures.
Ang tanging inilagay lang na caption ng aktres ay: “A 100 dinner attire."
Unti-unti na ngang naibabalik ni Liza ang style ng kanyang pananamit. Magmula kasi nang lumipat siya sa pangangalaga ni James Reid, ang Careless Management, ay ang daming komento na nagiging ‘untidy’ umano ang aktres sa mga OOTD niya. Kumbaga, nawala raw ang pagka-glamorous ni Liza.
Well, mabuti naman at nagbabalik na ulit ang freshness ng beauty ng girlfriend ni Enrique Gil.
Komento nga ng ilang netizens, “Hindi na kasi siya stressed unlike nu’ng bago pa lang siyang talent ni James.”





Comments