AGOT, X'MAS WISH ANG BAGONG BF KAPALIT NI SOLGEN HILBAY
- BULGAR
- Dec 9, 2022
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 9, 2022

Isa sa mga hiling ni Agot Isidro ngayong Christmas ay magkaroon ng love life. Bagama’t happy and complete naman daw ang feeling niya ngayon, siyempre, iba pa rin kung may kasama.
“Ano na ‘ko, eh, complete and I’m happy. Actually, I’m happy being alone but 'di ba, parang masaya rin ang may kasama,” sey ni Agot nang makatsikahan namin sa mediacon ng Family Matters.
“Hindi ko naman siya actively na hinahanap. It would be nice, it would be pleasant. It could be a gift," patuloy niya.
Kailan niya naramdamam na ready na siya ulit na ma-in love?
“Actually, wala lang. Parang maybe, siguro, it’s the holiday season, kaya medyo nararamdaman ko ‘yung lungkot. Konti lang naman. Pero 'pag iniisip mo na baka naman hindi ibinibigay sa ‘yo dahil hindi ka pa handa. Actually, parang okay pa naman ako, being alone. But then, it would be nice,” aniya.

Pero choosy pa rin ba siya?
“Oo. At this point, I will not compromise. Kasi okay naman nga ako,” she said.
When asked kung ano ba ang qualities talaga na gusto niya sa isang lalaki, sey ni Agot ay basta mabait at ‘yung hindi siya babaguhin.
“Matanda na ako, mahirap na akong magbago,” natatawa niyang sabi.
Matatandaang ang huling ipinakilala ni Agot sa publiko na boyfriend niya ay ang dating Solicitor General na si Florin Hilbay. Hindi na malinaw kung kailan ba sila nag-break.
It could also be remembered na ang dating asawa ni Agot ay si Manu Sandejas (2001-2011).
Comments